CHAPTER 27: #UnexpectedWhat's

19 0 0
                                    

YURI's POV

Heto na yon, malapit na ako sa site. Okay na daw kasi yung exterior kaya fucos na sila ngayon sa interior.

Excited ako na kinakabahan, alam niyo yung feeling na ganun? Baka kasi madisappoint sila bigla sa'kin.

Hanggang sa nakarating na kami sa site, isa kasi 'tong resthouse na mayaman daw may-ari. Andito rin daw sila ngayon.

Pumasok na kami sa loob, pero lumabas lang din kami sa kabilang pintuan papuntang balcony.

Yuri: "Good Afternoon po! I'm Yuri Mabuhay from Lovemyhome designs."

Wilbert: "Yuri? Ikaw yung P.A ni Ryle dati na kaibigan ni CK."

Nagulat ako don sa nagsalita kaya tumingin ako sa kanya.

Wilbert? Ano ginagawa niya dito?

Lumapit naman sa akin yung matandang lalaki.

Lalaki: "Magandang hapon hija. Magkakilala ba kayo nitong apo ko?"

Yuri: "Po?"

Teka lang, apo niya si Wilbert?

Yuri: "Ah ano po kasi.. sino ba naman hindi nakakakilala sa apo niyo po. Hehe sikat po kaya siya sir."

Babae: "Gwapo kasi nitong kapatid ko Lolo kaya ganun."

So kapatid niya rin pala yung maputing babae.

Nag-umpisa na kami sa meeting, pinakita nila sa akin yung buong bahay. I need to fucos, si Wilbert lang yan.

Pagkatapos naming maglibot, umupo muna ako para tingnan yung mga bagay na dapat kung gawin.

Wilbert: "Dito ka na pala nag tratrabaho." Sabay lapag ng juice.

Yuri: "Thank you sir."

Wilbert: "Wag mo na akong tawaging sir, hindi bagay sakin. Wil nalang."

Yuri: "Pasensya na pero--"

Wilbert: "Nakita ko na yung mga designs mo, actually magaganda siya. Gusto ko yung designs ng mga furnitures at yung kulay very relaxing."

Yuri: "Salamat. Di ko alam kayo pala yung unang client ko."

Wilbert: "Actually si Lolo talaga may gusto nito, pinagawa niya tong resthouse para sa amin. Kaya sinamahan narin namin siya dito."

Yuri: "Ganun ba."


Hindi ko naman enexpect na sila pala magiging client ko, kaya pala kinakabahan ako kanina.

Wilbert: "Nga pala, ayaw mo bang bumalik sa Maynila?"

Yuri: "Sa ngayon, wala pa akong balak."

Wilbert: "Hmm.. Okay!"

Yuri: "Tsaka ayoko don, toxic don."

Wilbert: "Sinabi mo pa."

Nagkwentuhan lang kami ni Wilbert about sa designs, hindi ko na namalayan yung oras gumagabi na pala.

FAN BE LIKE 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now