bes 002

239 9 1
                                    


Dear Slade,

Ngayon, sabay tayong pumasok. Dinaanan mo ako sa bahay tapos naglakad lang tayo papasok ng school. Ang saya pala nun no? Nag-usap lang tayo tungkol sa mga bagay bagay tapos tawanan ganun. Ang cute cute mo talaga. Kaya kita crush eh. Oo, crush kita bes. Diko alam kung kelan nagsimula pero ang alam ko lang, crush na kita. Tapos nung recess, nilibre mo ako. Pati nung lunch libre mo rin. Nahihiya na nga ako eh kaso sabi mo, pambawi mo yun nung bakasyon na wala ka. Eheee, ang sweet mo talaga no? Tapos di ka pa nakuntento, nilibre mo pa ako ng merienda nung uwian at sabay pa tayong umuwi. Nagtatampo nga si Nayih kasi di ko raw sya nakasabay pauwi pero sabi mo naman, na-miss mo ako kaya naman kinilig nanaman ako. Haaaay Slade naman oh, wag moko gaano pakiligin ha?

Love,
Bes Jade

Jade • p.jh & b.skDonde viven las historias. Descúbrelo ahora