bes 033 [ narration ]

168 13 3
                                    


Jade's

"Yah Jade, tara na! Nandito na yung van nila Teffie."

"Ah sige. Susunod na ko. May hinahanap lang."

"O sige, basta dalian mo ah? Para di tayo mahuli sa flight papuntang Bora."

I just nodded and smiled at Nayih na nasa may pintuan ng kwarto ko.

She gave me a faint smile at nilapitan ako.

"Everything will be okay, Jade. Andito lang kami."

I sighed bago siya niyakap, and there, bumagsak nanaman ang mga luha na akala ko ay naubos na kaninang madaling araw.

"Shhh, tama na. He's not worth it." sabi nito at humiwalay na sa pagkakayakap sa akin.

"Marami pang iba dyan Jade. Buksan mo lang ang mga mata mo at makikita mo rin kung sino yung talagang handa kang mahalin ng totoo." sabi pa nito habang pinupunasan ang luha ko.

"Sige na, mauuna na ako sa baba ha? Dalian mo dyan."

"Thank you Nayih."

Lumabas na siya ng kwarto ko at pinagpatuloy ko na ang paghahanap ko. Binuksan ko ang drawer ng study table ko at doon ko na nga iyon nakita. Kinuha ko ang box na yun at binuksan.

Tumambad saakin ang napakaraming polaroid namin ni Slade. May mga captions pa kada polaroids. Huminga ako ng malalim at isinara nalang iyon bago inilagay sa maliit na maleta ko. Kinuha ko na rin ang diary ko na nakapatong sa kama at isinilid naman yun sa bagpack ko.

That's it. I'm ready to go.

~~

"Wow! Ang gandaaaaa!" sigaw ni Sheena nang makababa na kami sa van na sinakyan namin mula sa airport.

"Mas maganda ka pa." banat naman ni Jaden kaya kinantyawan sila ng iba.

Napailing nalang ako bago napayuko dahil naalala ko nanaman si Slade. Kamusta kaya siya? Ganiyan din sana kami kung kami pa rin.

"Huy, okay ka lang?" napatingin naman ako sa bumunggo sa akin.

I was about to reply on what he've said pero naunahan niya ako.

"Aish, tanga mo naman Hover. Alam mong di siya okay tapos tatanungin mo pa. Hay nako." natawa naman ako sa sinabi niya sa sarili niya.

"Gaga ka. Ayos lang ako." sabi ko naman habang nakatingin sa mga kaibigan namin na nagsisibabaan na ng van.

"Sus, anong ayos? Alam ko na ang nangyari Jade."

Nginitian ko lang siya at yumuko ulit.

"Gagong Slade yun. Tatadyakan ko talaga yun pag nakita ko eh. Di mo deserve ang masaktan, Jade."

Napatingin tuloy ako sakaniya nang sabihin niya yun, and to my surprise, nakatingin siya sa akin ng seryoso.

"Tsk, basta mag-enjoy ka rito. Wag mo muna isipin yung gagong baklang yun. Tara na." sabi niya at binuhat na ang travelling bag na dala niya. Kukunin ko na sana yung maliit kong maleta pero naunahan niya na ako at siya na ang nagbuhat nun.

"Tara na Jade." pag-aaya niya kaya naman sinabayan ko nalang siya sa paglalakad.

Pumasok na kami sa hotel na tutuluyan namin. Sila Jeohan at Janice na ang pumila para sa pagbabayad at pagpapareserve ng rooms kaya naman naupo na ang iba sa mga sofa na nasa lobby.

Paupo na sana kami ni Hover nang matigilan ako sa nakita ko.

"Uy Jade, bakit na natu--"

Hindi na rin naituloy ni Dave ang sasabihin niya dahil mukhang nakita na rin niya ang dahilan kung bakit ako natulala.

"Gago talaga." I heard Hover said sa likuran ko.

Maya maya pa ay napatingin na rin siya sa akin at nagtama na ang paningin namin. Tinignan na rin ako ng babaeng kasama niya at ang masakit, siya na ang naunang nag-iwas ng tingin at mas hinigpitan pa ang hawak niya sa kamay ng babaeng kasama niya.

"Tangina." mura ni Hover.

Nangingilid na ang mga luha ko pero sinusubukan ko tong pigilan. Pero tuluyan na tong bumagsak nang dumaan sila sa harapan namin at ang mas masakit, ni hindi man lang niya kami tinapunan ng tingin.

Humagulgol na ako pagkalabas nila and next thing I knew, I am locked in Hover's arms. 

Jade • p.jh & b.skWhere stories live. Discover now