bes 007

178 11 3
                                    


Dear Slade,

Nagtataka ka nung hinatid mo ako kung bakit ako tahimik. Hindi kita sinagot at dahil dun, kinulit mo ako ng kinulit. Pero syempre dahil di kita matiis, sinabi ko nalang na kulang yung kinain natin kanina at pagod ako. Pero dahil spoiled ako sayo, nag drive-thru tayo sa Jollibee at binilhan mo ko choco mallows pie, spaghetti, coke float at fries. Napangiti ako. Alam na alam mo talaga ang paborito ko. Pagkakuha mo ng inorder mo, hindi pa tayo umuwi. Nagpunta tayo sa isang tahimik at mataas na lugar at doon nag stay. Napaka breath taking ng view. Kitang kita ko yung buong city ng Pledis. Binuksan mo yung likuran ng kotse mo at doon tayo naupo at kumain. Marami kang kwinento saakin. At isa na doon na ako ang kauna-unahang babaeng dinala mo rito. Syempre, kinilig ako. Sino ba namang hindi kikiligin dun diba? Ayos na sana kaso may pahabol ka. Sabi mo, kaya ako ang una mong dinala dito ay dahil..... Ako ang bestfriend mo.

Love,
Bes Jade.

Jade • p.jh & b.skWhere stories live. Discover now