bes 008

153 10 0
                                    


Dear Slade,

Lunes nanaman. Pasukan nanaman. Hindi tayo sabay pumasok dahil sabi ko, mauna ka na sa school. Medyo na-hurt kasi ako sa sinabi mo saakin nung sabado nung nasa may mataas na lugar tayo. Na may crush ka na kaibigan ko. Naguluhan ka nung sinabi kong gusto ko nang umuwi nun. Sabi ko nalang inaantok na ako kaya naman pumayag ka rin. Ngayon, di ko alam ang mukhang maihaharap ko sayo. Kahapon kasi, dapat magsisimba tayo kasi hindi kita sinipot sa simbahan. Ayun, mag-isa mo lang na nagsimba pero sabi mo okay lang. Di ka galit. Di ka rin nagtatampo. Kaya naman habang naglalakad ako patungo sa room natin, rinig na rinig ko na yung boses mo. Maski nila Hover at Dave. Napangiti ako, ingay mo talaga. Kunwari ay galit akong pumasok ng room at sinigawan ka. Dinamba pa nga kita eh. Kaso biglang dumating si President Waller at pinatawag ka kaya ayun, natigil yung pananakita ko sayo HAHAHAHA! Sorry nga pala dun bes ah? Di ko kasi alam i aakto ko sa harapan mo eh. Nakaka awkward kasi. Oops, ako nga lang pala ang awkward. Kasi di mo naman alam yung feelings ko para sayo.

Love,
Bes Jade

Jade • p.jh & b.skحيث تعيش القصص. اكتشف الآن