bes 062

116 5 2
                                    

this chapter is all about Slade's side, para knowings niyo na rin ang kaniyang reason.
----

Slade's

NABITAWAN ko ang cellphone ko nang makita ko ang status na iyon ni Dave sa Facebook. Sila na ni Jade? Agad agad?

Hindi ako kumbinsido kaya naman agad ko siyang chinat sa Messenger, tinanong kung totoo ba iyon o palabas lang pero naiyak nalang ako nang malaman na totoo nga talaga iyon.

Sila na ni Jade. Wala na sa akin si Jade.

Ang tanga tanga ko lang dahil hinayaan kong mawala sa akin ang pinakamamahal ko. Sobrang swerte ko kay Jade pero pinakawalan ko lang siya.

Kung hindi ba naman kasi dahil sa pagiging duwag ko, eh di sana hindi nangyari to.

Ilang buwan na ang nakalipas magmula nang maging sila ni Dave, halos isang taon na nga eh pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako ayos sa barkada namin. Hindi pa rin kami nakakapag-usap ni Jade. In short, hindi pa ayos ang lahat.

Pinunasan ko na ang mga luhang natuyo dahil sa pag-iyak ko at napagdesisyunang lumabas para magpunta sa park kung saan lagi kaming naglalaro ni Jade noong mga bata pa kami.

Pagkarating ko doon ay naupo ako kaagad sa swing na lagi naming pinupwestuhan ni Jade. Masaya na kami eh, ayos na lahat. Kung hindi lang sana--

Natigilan ako sa pag-iisip nang maaninag ko ang isang familiar na mukha. SI JADE!

Akmang aalis na siya ng park ngunit agad ko siyang hinabol at hinawakan sa braso.

"A-ano ba--"

"Jade."

Natigilan siya at dahan-dahan akong hinarap.

"S-Slade."

Nagpagupit siya. Ang dating pagkahaba-haba niyang buhok ay hanggang leeg na lang niya ngayon. Mukha ngang naka-move on na siya sa akin. Mas lalo siyang gumanda.

"Jade, can we talk?"

----

Tahimik kaming nakaupo dito sa swing na inuupuan ko kanina. Walang umiimik kaya naman ako na ang nagsimula.

"I'm sorry."

Hindi ako tumitingin sakaniya dahil ayokong makita niya ang naluluha kong mata. Nahihiya ako sakaniya. Sobra.

"I-I'm sorry because of what happened months ago. Hindi ko iyon ginusto Jade."

Akala ko ay hindi siya magsasalita, pero nagulat ako nang magsalita siya.

"Slade, please explain your side. Please."

I nodded and sadly smiled.

"Kakasimula ng summer natin. Dapat talaga ay sasama ako noon sa swimming ng barkada, not until my Dad called me."

Kita kong tinignan niya ako pero hindi pa rin ako tumitingin sakaniya.

"He told me na bumabagsak na ang kompanya kaya kailangan naming makipag-merge doon sa isa sa mga stock holders namin--which happened to be the family of Yooram."

Nakuyom ko ang kamao ko nang maalala ko kung papaano inaway ni Yooram si Jade noon sa Messenger.

"They...they arranged me with Yooram. You know what I mean, kahit hindi ko naman ginusto. Wala akong magawa that time dahil duwag at naaawa rin ako kay Dad, na baka tuluyan na ngang bumagsak ang kompanya."

"Why didn't you tell me?" mahinang tanong sa akin ni Jade.

Hinarap ko siya at tinitigan sa mata,
"Dahil ayokong problemahin mo ang problema ko, Jade. Ayokong nadadamay ka." nakangiti kong sabi sakanya.

"Kasi, mahal kita."

Pumikit naman siya at kasabay noon ay ang pagbagsak ng mga luha niya.

"I'm so sorry Slade, I didn't listen to your--"

"You don't have to be sorry, Jade. Besides, masaya ako dahil masaya ka na rin ngayon. You're happy with Dave already and alam kong hindi ka niya sasaktan."

She smiled. Iba yung ngiti niyang yun. Yun yung ngiti niya dati kapag naririnig niya ang pangalan ko pero ngayon, lumalabas nalang ang ngiti niyang iyan kapag pangalan na ni Dave ang naririnig niya.

"Yeah, I'm happy with him. Sobra. I love Dave." she softly said habang pinupunasan ang mga luha niya.

"Pero pakiramdam ko, may kulang eh."

Nagulat naman ako nang tumayo siya sa harapan ko.

"I miss my bestfriend na kasi, pwede ba tayong bumalik doon Slade?"

Ngumiti naman ako at tumango. Tumayo na rin ako at niyakap siya. I missed her, I missed Jade. I missed my bestfriend.

Para kaming baliw dito sa playground na nag-iiyakan habang tumatawa. Pero wala eh, ganito kami.

Siguro nga, we're not meant to be a couple, siguro nga hanggang bestfriends lang talaga kami.

Pero ayos na rin yun, kesa naman sa wala diba? Atleast, I still have a role in Jade's life.

Her bestfriend.

------
kalma lungszxz, hindi pa to epilogue ahihi

Jade • p.jh & b.skWhere stories live. Discover now