final

142 11 2
                                    


Slade's

"Someday, lalakad din ako papuntang altar tapos ikaw yung naghihintay sa akin sa dulo..."

Napangiti nalang ako nang maalala ko ang mga salitang binitawan mo noong tayo pa. Kung hindi lang sana ako naging duwag noon, sana ako pa rin ang lalaking naghihintay sa'yo ngayon dito sa dulo ng altar.

Oo, nandito pa rin naman ako sa dulo at naghihintay, pero bilang best man nalang ng lalaking sumalo sa'yo noong mga panahong pinili kitang bitawan. Noong mga panahong durog na durog ang puso mo dahil sa sakit na ibinigay ko sa'yo. Ang lalaking bumuo ulit sa'yo at nagbalik ng ngiti sa mga labi mo, si Dave.

Tinignan ko si Dave na nandito sa tabi ko. Nakangiti siyang umiiyak habang pinapanood kang maglakad sa altar. Kung ako siguro 'yan, hindi lang iyak ang ginawa ko kundi pati hagulgol. Pakasalan ko naman na ba ang babaeng pinangarap ko buong buhay? Pero hindi eh, si Dave ang pinili mo.

Masaya akong masaya ka sakaniya, Jade. Sobra dahil deserve mo ang tulad ni Dave. Iyong hindi ka sasaktan at iiwan gaya ng ginawa ko.

Nang makarating ka na sa gitna ay sinalubong ka ng mga magulang mo na umiiyak na rin. Tandang-tanda ko pa noon kung gaano ako kagusto ng mga magulang mo para sa'yo.

"Nako Slade, dapat kapag ikakasal kayo ni Jade ay nasa tamang edad na kayo ha?"

Nahihiya naman akong tumango bilang sagot sa tanong ng Mama ni Jade.

"Aalagaan mo ang anak namin ha? Malaki ang tiwala namin sayo iho."

"Opo Tito at Tita, ako po ang bahala kay Jade."

Napangiti nalang ako ng mapait nang maalala ko ang eksena na iyon noong pinakilala mo ako sa mga magulang mo bilang boyfriend mo na.

Iyon na ata ang isa sa mga pinakamasasayang araw ng buhay ko, pero isang alaala nalang 'yun lahat.

Unti-unti kayong naglalakad palapit sa amin ni Dave at nang makalapit na kayo sa amin ay tumigil ka sa harapan ko.

Tumigil ka sa harapan ko at ngumiti, nagumiti rin ako bilang sagot at kasabay nun ay ang pagtulo ng luha ko.

"Thank you." nakangiti mong sabi sa akin bago ka iniabot ng mga magulang mo kay Dave.

Nagpunta na kayo ni Dave sa harapan ng pari at sinimulan na ang kasal.

Kung tutuusin ay pwedeng-pwede akong sumigaw ng, "ITIGIL ANG KASAL!" pero 'wag nalang, gagawa lang ako ng eksena rito.

Habang nagpapatuloy ang seremonya ay napagpasiyahan kong lumabas muna para magpahangin. Hindi ko na kasi kaya. Kahit anong pilit kong iniisip na tanggapin nalang, masakit pa rin. Nasasaktan pa rin ako.

Pagkalabas ko ng simbahan ay napahagulgol nalang ako atsaka naupo sa may hagdanan.

Ang sakit, sobra. Pilit na bumabalik yung mga alaala natin. Mas lalo lang kitang minamahal, Jade.

Inilabas ko mula sa bulsa ko ang kaisa-isang litrato namin ni Jade na naiwan sa akin.

"Masaya akong masaya ka, bestfriend." bulong ko bago ko iyon itinapon.

Bumalik na ako sa loob ng simbahan at nadatnan kong magkahalikan na sila ni Dave. Kasal na nga talaga sila, sila na nga talaga.

"Congrats, Mr. and Mrs. Kruz."

-----

done na siya huehue

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Jade • p.jh & b.skWhere stories live. Discover now