bes 061

89 5 1
                                    


Jade's

"JADE! Paano nga naging kayo ni Dave?!?!?"

napatakip naman ako sa tenga ko nang sabay sabay nilang walo na itinanong sa akin yan.

"Teka ha, mahina kalaban." sarcastic kong sabi sakanila.

"Kumalma kayo. Magkukwento ako. Ganito kasi yan.."

-----

"Be my girlfriend, Jade."

What?

Agad naman akong napahiwalay kay Dave mula sa pagkakayakap niya sa akin. Ano? Ako? Magiging girlfriend niya? Nahihibang na ba siya?

"Ano? Alam mo ba ang pinagsasabi mo Dave? Nababaliw ka na ba?" hindi makapaniwalang tanong ko sakaniya.

Umiling siya at marahan akong hinawakan sa magkabilang balikat, "Jade, hindi ako nahihibang. Hindi rin ako nababaliw. Jade, matagal na kitang mahal."

I was taken aback by his sudden confession. Bakit ganito?! Bakit ganito ang nangyayari!?!?!

"W-What?"

I saw his eyes became teary when I looked at him.

"Matagal na Jade. Sobrang tagal na. Actually, hindi lang ako. Even Hover, mahal ka rin niya."

P-pati si Hover?

"Alam ni Slade lahat. Tatlo kaming may gusto sa'yo pero mas pinili namin ni Hover na...na magparaya para kay Slade. Kasi alam naming siya yung...mahal mo."

I saw pain in his eyes nang sabihin niya iyon.

"It all started noong Grade 8 tayo. I was your seatmate back then sa isang subject. Pinaghiwalay kayo ni Slade noon ng subject teacher natin dahil maingay kayo kapag nagtabi."

"And sobrang saya ko nung ako yung tinawag ng teacher natin noon para makipagpalit ng upuan kay Slade. At doon, doon tayo naging close." pagpapatuloy niya.

"Naging magkaibigan tayo nun pero siyempre, walang makakapantay sa closeness ninyo ni Slade." sabi niya bago ngumiti ng pilit.

"Sa totoo lang, selos na selos ako noon kay Slade. Maski nga kay Stanley kaso nalaman ko na may gusto siya kay Nayih kaya malinaw na sa isip ko na parang kapatid na ang turingan ninyo nun."

Hinawakan niya naman ang kamay ko at tinignan ako diretso sa mata.

"Noong naging kayo ni Slade, sobrang lungkot ko pero masaya rin ako para sainyong dalawa. Kasi syempre, masaya si Slade na kaibigan ko. At masaya ka rin, na mahal ko."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumulo na ang mga luha na kanina pa namumulo sa mga mata niya.

"Pero nung nakita kita na umiiyak at nasasaktan nang dahil kay Slade? Doble yung sakit na naramdaman ko Jade. Nasasaktan ako dahil nabalewala yung pagpaparaya ko at nasasaktan ako dahil nasasaktan ka."

Nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko nang hindi ko namamalayan.

Pinunasan niya ang mga iyon at hinawakan ang pisngi ko.

"Kaya Jade, please. Be my girlfriend. Let's work this out. I'll make you happy, Jade."

May pumipigil sa akin dahil naiisip ko na baka maging rebound ko lang si Dave pero may nagtutulak din sa akin na pumayag. Hindi ko alam.

"Jade?"

Pumikit ako at dahan-dahang tumango.

"I'll be your girlfriend, Dave."

-------

"OH MY GOSH!"

"KINIKILIG AKO!!!!"

"ANG SWEET NI DAVE!!!!"

Napailing naman ako dahil sa ingay na ginagawa ngayon ng mga kaibigan ko after ko magkwento.

"Pero paano na si Slade?"

Natigil ang tilian at kakiligan nila nang itanong ni Janice yan.

"Oo nga Jade, nakapag-usap na ba kayo?"

I shooked my head. Hindi natuloy ang pag-uusap namin noon sa resort dahil---no, ayoko na alalahanin yun.

"Kailangan ninyong mag-usap." sabi ni Nayih na sinangayunan naman nila.

"You should know his reason too." pahabol naman ni Minha.

I just nodded kahit na sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin. Bahala na.

Jade • p.jh & b.skWhere stories live. Discover now