bes 018

183 14 7
                                    

(ETO NA ANG CHRISTMAS GIFT NI AUTHOR!HOPE YOU LIKE IT! ENJOY READING! MERRY CHRISTMAS! )

Dear Slade,

Araw na ng performance natin. Kabado pa ako pero nawala yun nung ginoodluck moko. Super saya ko nun kahit na hindi kita ginoodluck pabalik. After performance, kinausap ko na si Nayih. Di ko na kasi keri eh. Miss na miss ko na siya, pati ikaw. Sa pag-uusap namin na yun, nalaman ko na hindi siya ang gusto mo kaya naman when I asked her kung sino, sabi niya ay tanungin kita kaya naman wala akong inaksayang panahon. Pinuntahan kita kaagad. Nakita kita sa may garden pero...may kausap ka. Si Umji ng last section. Ang saya saya nyo pa kaya para bang nadurog ang puso ko nun. Nagtagpo ang paningin namin ni Umji kaya naman napatitig siya sa nagtutubig ko nang mga mata at sinundan mo naman yun ng tingin. Nang makita mo ako ay nanlaki ang mga mata mo at kaagad akong tumalikod at tumakbo palayo sainyo, sayo. Malapit na akong makalabas ng school nun nang bigla mo akong yakapin mula sa likuran. Ramdam ko rin ang pamamasa ng balikat ko. Umiiyak ka. Hinarap mo ako sayo at inexplain mong magpinsan kayo ni Umji, na kakauwi lang niya galing ng LA at binisita ka nya ngayon sa school. Agad naman akong nakaramdam ng hiya sayo kaya lumayo ako ng onti pero niyakap mo rin lang ako kaagad. Hinawakan mo ang kamay ko at dumiretso tayo sa parking lot ng school kung saan naka-park ang kotse mo. Isinakay mo ako sa paseenger seat at sumunod ka namang sumakay. Kung saan mo ako dadalhin, hindi ko alam. Hanggang sa nakarating tayo sa bahay nyo. Mukhang walang tao dahil sa malamang ay nasa trabaho sina tito't tita. Hinatak mo ako papunta sa kwarto mo at doon, doon nangyari ang hindi natin inaasahan. At yun din ang araw kung saam umamin ka saakin na...

Mahal mo rin ako.

Jade

Jade • p.jh & b.skOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz