bes 016

165 9 0
                                    


Dear Slade,

Ngayon na yung practice. Nauna na ako dito sa bahay nila Stanley dahil nga malapit lang naman tsaka lagi naman ako,tayo dito diba? Habang naghihintay, nag-decide kami na bumili ng pang-meryenda. Isasama nga namin dapat si Hover kaso ayaw niya eh kaya kami nalang ni Stanley. Palabas na kami at paglabas namin, nakita kita...kasama si Nayih. Sakit. So sinundo mo siya? Ang saya naman. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng kamay ni Stan na nakahawak sa balikat ko. Bago pa kayo magtanong ay inunahan na kayo ni Stan at sinabi nyang may bibilhin lang kami. At sinabihan na rin namin kayo na mauna na sa loob dahil nandun na si Hover. Pagkapasok niyo ay napayakap ako kaagad kay Stanley. Slade, bakit ang sakit sakit? Ang sakit lang isipin na siya na yung sinusundo mo ngayon at hindi na ako. At syempre, ihahatid mo na rin siya pauwi mamaya. Mabuti nalang ay nandito ulit si Stanley sa tabi ko, na pasikreto namang minamahal ang babaeng kasama mo.

Jade.

Jade • p.jh & b.skWhere stories live. Discover now