bes 052 [ narration ]

171 9 5
                                    


Jade's

"Guys, enjoyin na natin ang gabing 'to! Uuwi na tayo bukas."

Napatango naman kaming mga babae sa sinabi ni Janice habang nag-aayos dito sa kwarto namin ni Nayih. Nakatambay silang lahat dito at di ko alam kung anong pumasok sa mga kokote netong mga babaeng to.

"Ano, tara na? Naghihintay na yung mga lalaki sa lobby." pag-aaya ni Sheena habang nakatutok sa phone niya. Sa malamang ay ka-chat si Jaden.

"Gora na!" sigaw naman ni Nayih kaya napasigaw nalang din kaming lahat dahil na rin sa excitement.

Magpa-party kasi kami ngayon sa may open bar sa may station 1 kasama ang two teen. Well, first time naming mag night party kaya dumagdag pa yun sa excitement.

Naka-black short shorts lang ako at isang fitted na white crop top at tinernuhan ko nalang ng isang simpleng sandals. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko at nag make-up na rin ako ng konti.

Kinuha ko na yung maliit kong black na sling bag at inilagay na doon ang phone at pera ko bago ko yun sinuot.

"Tara na Jade!" masayang yaya sa akin ni Minha na nakasuot naman ng see through na beach dress. Naka-sports bra sya panloob at naka-short shorts din na denim. Nako, baka pagalitan to ni Wade.

Lumapit naman sa amin si Sheena na naka-beach dress din but hindi na sya see through.

"Basta Jade, mag-enjoy ka lang ha? Wag mo na muna isipin yung baklang yun okay?" tumango naman ako sa paalala niya.

Tinignan ko naman ang ibang mga kaibigan ko bago kami lumabas ng kwarto.

Si Nayih, naka off-shoulder na floral dress. Si Monique naman, naka off-shoulder din pero hanging blouse naman atsaka syempre, naka-short shorts din. Si Janice naman, naka-jumpshort at sando. Si Chaehye at Danicka naman, parehas na naka sando at short shorts habang si Teffie, ayun naka fitted na white shirt at naka jumpshort.

Pagkababa namin ay agad naman naming nakita ang mga boys na naghihintay sa lobby, at nang makita nila kami ay biglang nangunot ang mga noo nilang lahat. Hmm, hindi naman lahat. Halos karamihan lang.

And that karamihan includes Wade, nangunguna. Joshua, na nakatingin din kay Minha. Jaden na nakatitig kay Sheena. And sina Dave at Hover na nakatitig...sa akin? Teka, may mali ba sa suot ko? Ayos naman ah? Or not?

Lumapit na kami sakanila at agad na nilapitan ni Wade si Minha.

"Babe, magpalit ka. Masyadong revealing yang suot mo." sabi nito agad sakaniya.

Minha pouted bago yumakap kay Wade. "Ehhh, sayang ang oras babe." pagmamaktol nito bago humiwalay sa pagkakayakap niya rito.

Sus, gusto lang talaga nya yan isuot. Matagal na.

Napabuntong-hininga naman si Wade as a sign of defeat.

"Fine. Basta wag kang hihiwalay sa akin sa bar. Didikit ka lang lagi sakin."

Minha smiled bago yumakap uli kay Wade. "Oo naman po babe. Thank you!"

Napailing nalang ako dito sa dalawang 'to bago binalingan ng tingin ang dalawang lalaking nasa harapan ko at naka-cross arms.

Jade • p.jh & b.skWhere stories live. Discover now