bes 041 [ narration ]

137 7 7
                                    

Jade's

"Bakit umalis si Hover?" I asked Dave na nakatutok lang sa phone niya.

"Ah, hindi ko alam dun. Baka natatae hehe."

Napatango nalang ako sa sagot ni Dave at sinundan nalang ng tingin si Hover. Napabuntong hininga muna ako bago ko ipagpatuloy ang pag-kain ng ice cream na nilibre saakin ni Dave.

Alam ko naman na kaya panay ang dikit saakin ng Twoteen kanina pa pagkarating ay dahil alam na nila ang ginawa ni Slade saakin. Kaya siguro inaya ako ni Hover kanina na maglibot dito sa Bora para kahit papaano, malimutan ko si Slade. Same as Dave, kaya rin siguro niya ako nilibre ng ice cream para gumaan naman ang pakiramdam ko. Well, gumaan naman ang pakiramdam ko kahit papaano. Thanks to the both of them.

Pero syempre, kahit na anong gawin netong mga to, hindi pa rin maalis yung sakit lalo na't andito rin lang si Slade kasama yung Yooram na yun. Ang sakit lang kada makikita ko rin sila sa may station namin kaya buti nalang at dito kami dinala ni Dave sa station 2.

"Ah Jade, balik na tayo sa station natin? Magswiswimming na raw eh."

Tumango naman ako sa sinabi ni Dave at nauna ng tumayo. Nagbayad na muna siya at pagkatapos ay nagsimula na kaming maglakad pabalik sa station namin.

~~~

"Ay wow naman ang sexy ni ateng oh."

"Ay biniyayaan ang gaga. Share naman dyan unnie!"

"Wow unnie ang sexy mo!"

"Ay may pa-red two piece si unnie oh!"

Napailing nalang ako sa mga pinagsisigaw ng mga babaitang to. Ang dadaldal talaga.

Nahihiya naman akong lumusong sa beach at pinuntahan kung nasaan ang mga nang-aasar kong mga kaibigan.

"Uy Jade, ang sexy mo gaga." bungad saakin ni Minha na yakap yakap ni Wade. Jusmiyo, napaka-PDA ng dalawang to oh!

"Mas sexy ka naman gaga. Super black na two piece oh." sabi ko naman sakaniya. Totoo naman, ang sexy ni Minha. Sa grupo namin, masasabi kong siya at si Monique ang may pinakamagandang katawan. That curves tho.

"Ang dadaya niyo mga unnies! Bakit kaming tatlo lang nila Danicka at Teffie ang naka shorts and rash guards? Bakit kayo, two piece? Dapat kasi pinayagan niyo nalang kami." pagmamaktol ni Chaehye.

"Oo nga noona, dapat pinayagan niyo nalang sina Teffie at Dani pero wag si Chae. Hindi naman yan sexy eh. Hahahahha!"

"Walangya ka talaga Lee!"

At ayun na nga po, umahon yung dalawa at naghabulan na parang mga bata.

Natawa kaming lahat sakanilang dalawa at hindi ko naman namalayan na katabi ko na pala si Hover.

"Tsk tsk masyadong revealing yan swimsuit mo Jade ah." puna nito at umiling iling pa.

"Eh bakit ba." sabi ko naman.

"Tsk, inaalala lang kita. Ibinilin ka nga kasi saakin ni Stanley, remember? Atsaka kanina nung naglalakad ka papunta sa amin, nakatitig sayo yung grupo ng mga lalaki na nadaanan mo."

Nanlaki naman ang mga mata ko. "Talaga?" tanong ko naman kaagad sakanya.

"Oo--"

"Oo. At hindi lang sila, pati si Slade."

Napatingin naman ako sa biglang pagsulpot ni Waller.

"Kanina ka pa tintititigan nung gagong yun. Tignan mo." sabi pa ni Waller at inginuso kung saan nakapwesto si Slade. Tinignan ko naman yun at nakita ko nga siyang nakatingin saakin pero umiwas kaagad sya ng tingin at umalis sa inuupuan niya. Himala, hindi niya kasama yung Yooram?

"Hayaan niyo nalang sya. Magswimming nalang tayo." nakangiti kong sabi sa dalawa at nagsimula ng lumangoy.

Ilang minuto lang nang magsimula akong lumangoy ay nakaramdam ako ng sakit sa may paa at balikat ko. Fudge, napupulikat ako!

I started sanking at nagsisimula na rin akong makainom ng tubig galing sa dagat. Ikinukumpay ko na yung kamay ko at mukhang walang nakakapansin saakin dahil naglalaro sila ng beach volley.

"T-Tulong!" Sigaw ko na mukhang narinig naman nila.

Mas lumalalim na rin ang napupuntahan ko dahil tinatangay na rin ako ng alon.

"Jade!"

"Fck Jade!"

"Hover puntahan mo na!"

"Guys tawag kayo ng medic!"

Yan ang iilan lang sa mga naririnig ko mula sa kanila. Patuloy lang ako sa pagkumpay ng mga kamay ko kahit na marami na akong nainom na tubig at hindi ko na maibuka ang mga mata ko dahil sa hapdi.

Next thing I knew is may nakahawak na sa bewang ko at binuhat ako ng bahagya. Naramdaman ko na rin ang pagbabaw ng tubig at ang pag-angat ko mula sa lupa.

Sinubukan kong buksan ang mga mata ko pero ang labo ng paningin ko. Pero isang pigura ang naaninang ko na sigurado akong kilalang-kilala ko.

"Slade..."

Jade • p.jh & b.skМесто, где живут истории. Откройте их для себя