50: permission to ligaw Sam

49 3 0
                                    

.....

Sam's POV...

Lahat kaming mag ka klase ay naka upo sa buhangin na nag iinuman, lahat masaya at lahat ay nag tatawanan.




Pero ako... Hindi, hindi ko maiwasang isipin ang biglang pag bago ng ipina pakita ni James sa akin at ang biglang pag papapansin ni marky.





Ayoko ng may umaaligid sa akin lalo pa't na turing ko ng kaibigan, pag kaibigan kaibigan lang talaga para sa akin. Kaya laking inis ko kay marky na pilit nag papapansin sa akin ngayon at parating nasa tabi ko.




Naalala ko tuloy ang nangyari sa amin ni James kanina, kung hindi lang umipal tong si marky siguro ay hindi ako na iilang kay james kapag nag kaka salubong ang aming mata.






Sige na... Ina amin ko, gusto ko si James. Unang kita ko palang sa kanya doon sa university ay nag ka interest na ako dito. hindi ko ito na friend zone, pero itong si marky.. Wala akong gusto dito.





Sa inis ko kay marky at pag kaka ilang kay James ay napa rami ang inum ko ng alak, at hindi ko na bantayan si Ella na nakainum din ng maraming alak.





Umalis kasi si baklang Christ para ihatid ang mga pinsan ko pa umuwi, hindi kasi sila pinayagan ng mga tito ko na mag overnight sa resort ni Christian kasi may mga pasok sila bukas.





Pero kaming mag ka klase walang pasok bukas kasi ito na yong kapalit ng pagka panalo namin noong nakaraang college day.






"Sam!". Sigaw ni Ella. "Sam, bestty halika mang huli tayo ng Serena sa ilalim ng dagat, masarap yong ihawin at kainin ng buo". Sabi ni Ella at pilit akong pinapatayo sa aking kina uupoan.






Malakas na nag tawanan ang iba naming mga kasama sa mga sinabi ni Ella. "Sam, oh ang sama nilang lahat Pagtawanan ba naman ang beauty natin." Pag tatampo ni Ella.






"Pag ako naka huli ng Serena hindi ko kayo bibigyan, sosolohin lang namin yon ni Sam. Malakas kaya kumain tong Bestty ko". Naka ngiting sabi ni Ella habang naka yakap sa akin.




"Lang hiya, ou matakaw ako sa pagkain Ella pero hindi ko kakain yang Serena mo". Natatawa kong sabi dito.






"Eh di wag, mag hahanap ako ng Serenang mag isa, at pag naka huli ako hindi kita bibigyan kahit umiyak ka pa". Padabog na umalis si Ella papuntang tubig dagat.







Sa kaba ko na talagang sisisirin nito ang dagat makakita lang ng Serena ay gagawin nya talaga dahil alam kong lasing na ito, hindi marunong uminom si Ella kaya madaling malasing at patay ako kay baklang Christian mamaya.






Mabilis akong tumakbo papunta kay Ella ng unti unti itong papalubog sa dagat.







Malakas ko itong hinila pa ahon sa dagat pero dahil sa lasing ito kaya nawalan ng balansi at pareho kaming natumba sa tubig.






"Sam baka walang Serena ngayon, ang lamig ng tubig eh. Baka sipunin ang serena kapag nag tagal ang mga ito sa dagat.". Nanginginig na sabi ni Ella at niyakap ang sarili.







"Oh my gosh Sam bakit kayo naligo ni Ella sa dagat ang lamig lamig ng tubig". Nag mamadaling lumapit si marky sa amin.






"Come here, I'll carry you". Sabi pa nito na akmang kakargahin ako.







"Wag na, si ella na lang nanginginig na eh. Lasing na lasing pa yan so please carry her first". Kahit nanginginig din ako sa lamig ay binaliwala ko para kay Ella at isa pa kaya ko naman ang sarili ko.






Happy "Sam Lopez" MontenegroWhere stories live. Discover now