71: nanay's wedding

24 2 0
                                    

........

James POV....

"Ahhhhhh"... Sigaw ko ng magising ako na basa ang buo kong katawan matapos tapunan ng malamig na tubig.




"See... Nagising agad. Kung Sana nakinig ka sa akin na yan Ang gagawin kanina sana kanina pa yan nagising". Rinig kong sabi ni kuya Timmy.



"Malay ko bang parang mantika yang matulog, di sana kumukulong tubig ang binuhos natin nang magising agad". Naka ngising bulalas ni kuya Tommy.



Nanginginig akong na upo sa aking kama at binigyan ng matatalim na tingin ang dalawa kong mga kuya na nakatayo sa aking harapan at naka suot ng damit na mukhang aatend ng kasal.





"Anong ginagawa nyong dalawa dito?". Naka simangot kung tanong sa dalawa.




"Aray...!". Sigaw ko nanaman matapos akong makatangap ng malakas na batok sa dalawa kung kuya.



"Gising kana ba?". Tanong ni kuya Tommy.


"Gising na yan tol". Sagot ni kuya Timmy.


"Mag bihis kana at maka alis na tayo". Sabi ni kuya Timmy.



"Ha?". Tanong ko dito.


"Bilis na kasi... Magbihis na". Naiinis pang sabi ni kuya Tommy at may ibinigay sa aking paper bag na may lamang mga damit na tulad ng suot nila.


"Bakit ba?". Tanong ko dito pero embis na sumagot ay batok nanaman ang nakuha ko sa kanila.



Upang makaiwas sa malalakas na batok nila kuya kambal ay minabuti kong maligo at magbihis na lang.

.........

Kasalukoyan kaming nasa byahe  sakay sa sasakyang dala nila kuya kambal ng maisipan kung magtanong sa kanila kung saang lupalop ng mundo nila ako dadalhin at pare pariho kaming tatlo na naka suot ng toxcedo kaso sina kuya kambal ay nakausot ng kulay itim samantalang sa akin ay kulay puti.







"Pwede bang malaman kung saan tayo pupunta at ganito ang mga sout natin?". Tanong ko sa kanila na ang mga mata at naka tuon sa labas ng sasakyan.









"Hindi pa ba halata sayo kung saan tayo pupunta?". Tanong na sagot ni kuya Tommy na syang nag mamaniho.







"Yan kasi nawala ka ng ilang buwan, hindi mo alam na ikakasal na si nanay". Nagulat ako sa narinig kong sinabi ni kuya Timmy na katabi ni kuya Tommy.





"Whaaaaatttttt!!!?". Ako.




"Lakas ng boses tol?". Naka ngising sabi ni kuya Timmy.




"Wait.... Kasal? Ni wala namang pinakikilala si nanay na lalaki sa atin bakit ito mag papakasal agad agad". Tanong ko sa kanila.







"Yan kasi wala ka kaya hindi mo alam, kahit nga kami hindi namin kilala ang papakasalan ni nanay". Sagot ni kuya Tommy sa akin.





"Ano? Hindi nyo kilala ang papakasalan ni nanay? Kahit ba pangalan ay hindi nyo alam?". Ako, Hindi maka paniwala na ikakasal si nanay sa taong hindi namin kilala.





"Tim ano nga ulit ang pangalan ng matandang yun?". Siniko ni kuya Tommy si kuya Timmy.





"Teka.... Naka limutan ko Tom". Sagot naman nito na tila nag iisip upang maalala ang pangalan ng taong pakakasalan nang aming ina.







Happy "Sam Lopez" MontenegroWhere stories live. Discover now