69: James side of story part 1

30 2 0
                                    

.........

James POV.....

Ilang linggo na ang nakalipas mula nang huli kong masilayan ang mukha ng aking mahal na si Sam.













Sinubukan kong pumunta sa kasal nito, wala akong balak na manggulo nais ko lang na makita si Sam kahit sa huling pag kakataon.











Hindi ko nagawang masilayan o  makalapit manlang sa kanya sapagkat ilang metro pa lang ako di kalayuan sa simbahang pag dadausan ng kanyang kasal sang damakmak na mga bodyguards ang pumigil sa akin mula sa mga Tito nito na kapatid nang kanyang amang namayapa at isa sa mga bodyguards na nandoon ay sina Jeff at Ian.












Ang dalawang pangit na mga yun.... trinaydor nila ako, akala ko pa naman mga totoong mga kaibigan.











Pati si boss ay pinipigilan rin akong makalapit sa simbahan kung saan ikakasal ang Sammy ko, mismong si boss pa mismo ang nakiusap sa akin na hayaan at igalang ang naging desisyon ni Sam na mag pakasal sa mukhang unggoy na Marky.











Wala naman talaga akong balak na mang gulo gusto ko lang naman itong makita kahit sa huling pag kakataon dahil nag pasya na akong isuko ang aking pagmamahal para sa Sammy ko.










Ayukong bigyan pa ito ng problema, kahit gaano ko pa ito ka mahal kung hindi man ako ang naka takda para sa kanya.






Masulyapan ko man lang ito sa huling pag kakataon na masaya sa piling nang mukhang unggoy na Marky na iyon ay sapat na sa akin.













Pero......























Pero.....





























Ang sakit.......


















Ang sakit lang isiping.....



















Alam mong maling tao ang papakasalan nang mahal mo....



















At wala akong nagawa kundi hayaan lang itong makuha at mapangasawa nang maling tao....




















Hindi ko na nga nagampanang mabuti ang trabaho kong bantayan si Sam at ilayo sa piligro, hinayaan ko pa na pakasalan nito ang anak ng taong gusto syang patayin dahil sa pera at kayaman na meron ito ngayon.




















Biglang tumunog ang aking cp, nakita kong mula kay ate Alexa ang tawag kaya sinagot ko















"James...  Ok ka lang ba"?. Mahina ang boses na narinig ko mula sa kanya, halatang nag aalala ito para sa akin.
















Ok? Bigla akong napaisip sa sinabi nito.....



Sa ilang buwang nag daan mula ng lumayo ako at kinulong ang sarili sa bahay kung saan ko minsan dinala ang Sammy ko, alam kong kahit kailan hindi ako magiging ok.....








Dahil hanggang ngayon si Sam parin, tanging si Sam lang ang naiisip ko dahil kahit isang bisis ko lang ito nakasama sa bahay na ito puno ng alaala at pag mamahal ang lugar na ito kaya siguro dito ko piniling mamalagi.







Happy "Sam Lopez" MontenegroOnde histórias criam vida. Descubra agora