42: the missing Sam

45 3 0
                                    

.....

Christian's POV....

Lahat excited ng malaman kung sino sa mga kalahuk ang tatanghaling Mr. And Ms. CU.




Kahit naman ako ay ganun din ang nararamdaman, proud ako sa nakikita kong effort na ginagawa ng dalawang babae na importanti sa buhay ko.




Yes... Tama ang nabasa nyo, importanti sa buhay ko sina Sam and Ella, pero isa lang talaga sa kanila ang mahal ko ang isa kasi tinuring ko ng kaibigan for life.



And I know you know who is that person.... Diba?






"This is it guys... Your all been waiting for.. I have now in my hand the names of our Mr. And Ms. CU for this year". The emcee said.





People cheering and shouting the names of their choice at ang pangalan nina James and Sam ang malakas na maririnig mo.



"And our Mr. And Ms. CU are...

....

...

....

...

....

...

James de Vera and....

....

....

....

Ella Conception...."




Biglang tumahimik ang mga tao sa paligid.



"Hindi naman sila ang magkapareha".

"Si Sam dapat".


"Bakit Si Ella?".

"Nasaan si Sam?".

"Baka mali ang pagkabasa mo".

Reaction ng mga taong nanunuod, tama naman na dapat si Sam ang dapat manalo pero hindi ko maiwasang hindi magalit kasi deserve naman ni Ella na manalo ah.



"Kalma lang po... Let me explain first ok? Wala kasi si Sam so the judges decided na ibigay sa second runner up yung crown ok?". He explain to all.



"What the..! Nawawala si Sam?" Agad akong napatayo sa pag kakaupo at mabilis na pumonta sa back stage.

......

James POV...

"Sinabi ko ng bitiwan nyo ako..!". Galit kung sabi sa mga taong pumipigil sa pag alis ko dito sa likod ng stage.




"Anong nangyayari dito?". Biglang sumolpot sa aking harapan si Christian.




"Nawawala si Sam kanina pa at kanina pa si James ng wawala". Pag susumbong ni marky kay Christian.





"Sinabing bitiwan nyo ako..!". Na iinis na talaga ako sa kanila.




Ba't na nila ako pinipigilan, gusto ko lang namang hanapin at iligtas si Sam.




"Calm down James,". Mahinahong sabi ni christian sa akin. "Hindi lang ikaw ang nag aalala kay Sam".. Dugtong pa nito.





"Look around James, Kahit sabihin pa naming lahat na hindi na bago sa amin ang sitwasyong ito sa Biglang pagkawala ni Sam pareho mo ay nag aalala din kami para sa kaligtasan nya". Bakas sa mukha nito na totoo ang sinasabi nya.




"Salamat dahil Kahit ngayon lang kayo ng kakilala ni Sam ay subra ang pag alalala mo sa kanya, pero wag tayong padalos dalos... Baka ikapapahamak ni Sam ang gaawin nating desisyon".




Sa sinabing yun ni christian ay pinilit Kong kalmahin ang aking sarili, Kahit sa totoo lang mapapatay ko kung sino man ang dahilan ng pagkawala ni Sam ngayon.




Natapos pageant matapos kaming koronahan ni Ella, hindi pina alam sa lahat na nakidnap na naman si Sam. Masakit man sa akin na tanggaping ipaubaya na lang sa mga uncle at guardian ni sam ang paghahanap sa kanya.





Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at nakita ko sa isang sulok na umiiyak si Ella habang akap akap ito ni christian.





Nakita ko din si Leno na may kausap sa telepono nito at narinig na kausap si Chen, isa sa mga pinsan ni Sam.




Napansin ko rin ang Biglang pagkawala nina ian at Jeff, pero nag tataka ako Kong sino ang kinakausap ni marky sa kanyang telepono.





"Guys, tumawag na raw ang mga kidnaper Kay ate Alex yung guardian ni ate Sam. They are now preparing for the ransom at sekritong pag hahanap para mailigtas si ate Sam bago pa maibigay ang hinihinhing 5.3 million na ransom". Pagsusumbong sa amin ni Leno.





"5.3 million?". Gulat na sabi ni marky.




"Ou, buti nga daw at nakumbinsi nilang pababaan ang ransom mula 10 million to 5.3 million.". Pag kukwento ni Leno na pinagtataka ko ang nakita Kong reaction sa mukha ni marky.


....

Sam's POV....

"Kuya.. Pahinging pag kain gutom na ako". Kanina pa ako nagugutom at kanila pa ako humuhingi ng pagkain sa isa sa mga taong dumukot sa akin.

"Kuya naman please, hindi pa ako kumakain... Anong oras na ba? Pakainin nyo naman ako kuya please po kuya... Please po". Pang kukulit ko sa tatlong tao na nag babantay sa akin ngayon dito. Lahat at may suot na maskara.



"Ah... Tumahimik ka nga, masakit na sa tinga yang boses mo..!" Galit na sabi sa akin ng isang lalaking naka upo sa bintana.





"Eh kung kanina nyo pa ako binigyan ng pagkain dito di sana
Kanina pa ako tumahimik sa kakahingi ng pagkain...". Pag tataray Kong sabi dito.







"Sige nanaman po kuya, please......".





"OO NA..! Matahimik ka lang, hating gabi na nag iingay kapa". Padabog itong umalis sa kinauupoan at pumonta sa pintuan.






"Kuya gusto ko ng fried chicken ha.. Then burger and large fries samahan mo narin ng coke float ha, nag dadayet kasi ako... Salamat kuya na nakamaskara". Nakangiti Kong sabi sa lalaking nakamaskara.




"Bantayan nyo tan ng mabuti". Sabi nito sa dalawang kasamang lalaki na nag lalaro ng baraha at agar nyang binalibag ng bongga ang pinto pag kalabas nito.


Suplado... Kahit naman nakamaskara yun halata sa boses na ang pangit... Ang pangit ng ugali. Tapos yung dalawa nyang kasama Wala lang imik na naglalaro ng baraha, hindi man lang ako pinasali.




.....

Habang hinihintay ang inorder ko Kay kuyang naka maskara ay inalala ko ulit kung paano ba ako
Na kidnap na naman.



Nagpaalam lang ako sa staff ng pageant na mag CCR lang, then after Kong mag cr may naramdaman akong parang may sumusunod sa akin at ang mali Kong ginawa ay winalang bahala ko lang ang akong nararamdaman kaya ayon...





Ito ako ngayon nakatali sa upoan at nakidnap na naman for I forgot to count how many times I've been kidnap,





"Ito na ba ang purpose ko sa life? Ang maging kidnap for ransom.. Naman po lord bahala ng kidnapin ako araw araw bigyan nyo lang po ako ng magliligtas sa akin.





Hindi naman ako choosy bigyan nyo lang ako ng kasing katawan ni ji Chang wook at kasing gwapo ni Lee joon gi bahala na po kayong pumili sa kanila, pariho naman po silang yummy and gwapo at higit sa lahat magaling makipag away at masarap....



Masarap ngumiti...". Sabi ng baliw Kong isip.







Nakidnap na nga ako mukhang nababaliw pa ang isip ko,



......

Happy "Sam Lopez" MontenegroTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang