52: nanay Loren

33 2 0
                                    

......

Sam's POV.....

"Tell me, sino ka ba talaga at bakit laging anjan ka pag nasa piligro ang buhay ko?". Naka tingin parin ako sa kanyang mga mata habang nag sasalita.


Bigla itong umiwas ng tingin sa akin at sinimulang buhayin ang makina ng kanyang motorcycle.





"Hoy ano na? Ba't di ka makasagot?". Pangungulit ko dito na wala namang epikto.



.......

"Humanda ka talaga sa akin pag nag kita tayo ulit mr. Kuya ka! at pag nangyari yun humanda ka sa akin!". Inis na inis kong sabi sa aking sarili, kanina ko pa ito inuulit sa aking isipan.




Ang walang hiyang kuya na yun, iniwan ba naman ako sa gilid ng daan na hindi ako pamilyar? Ni hindi ko nga alam kong nasaan ako ngayon.






Sino ba naman ang matinong tao ang nang iiwan dahil lang sa hindi ito maka sagot o ayaw sagotin ang mga tinatanong ko sa kanya, napaka pikunin naman ng taong yun.





Dahil sa wala na akong magagawa sa pag iwan ni pikuning kuya sa akin ay minabuti kong mag lakad na lang, baka may makasalubong pa ako na pwede kong pag tangunan kong paano ako nakakauwi.





.......



" Excuse po, pwede po bang mag tanong?". May naka salubong akong isang ali sa daan.





"Ano ba yon iha?". Naka tingin ito sa akin habang nag sasalita.





"Saan po ba ako pweding makasakay pa uwi sa Amin, pansin ko po kasi walang taxi ang dumadaan dito. Mag gagabi na po at hindi ako pamilyar sa lugar na to". Nahihiya kong sabi dito kasi naka tingin ito sa akin.






"nako iha, hindi ka taga rito ano? Siguro laki kang seyudad, wala ka talagang makikitang taxi dito". Naka ngiti nyang sabi sa akin.





"Ganon po ba? Pano kaya to, may alam po ba kayong pweding matutuloyan?" Tanong ko sa kanya.






"Nako iha walang ganon dito, nasa malayong parti tayo ng probensya. Pansin mo naman sigurong ang layo-layo ng mga bahay- bahay sa isa't isa". Bigla akong nalungkot sa aking narinig.






Ang malas malas talaga ng araw ko ngayon bukod sa may gustong dumukot sa akin, niligtas nga ako ni Mr. Kuya kaso pikunin naman kaya hinulog ako sa isang lugar na hindi ko alam.




At ang pinaka masama pa.... Nahulog ang iPhone ko sa daan kanina habang hinahabol kami ng gustong dumukot sa akin kaya hindi ako maka tawag at maka hingi ng tulong ni isa sa mga kamag anak o kaibigan ko.






Paano ako makakauwi nito, paano ko ipaaalam sa pamilya ko kung nasaan ako ngayon.






"Iha kong gusto mo doon ka muna sa bahay, mag gagabi na kasi at dilikado lalo sayo ang mag lakad mag isa sa daan babae kapa naman". Bigla akong nabuhayan ng loob sa aking narinig ko.






Hindi man ako sigurado kong mabait ba talaga ang aling umalok ng tulong sa akin ay sumama parin ako sa kanya, pakiramdam ko naman kasi ay mabait ito sa akin pero syempre hindi rin maiiwasan ang mag isip ng kung ano-ano lalo pa't hindi ko sya lubosang kilala.






Habang nag lalakad ay nag kukwentohan kami ni nanay Loren, nalaman kong may apat itong anak na puro lalaki at isang babae kaya Lang maaga itong kinuha ni Lord.





Happy "Sam Lopez" MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon