74: the plan

29 2 0
                                    

.........

Sam's POV....

Wala akong masabi sa aking nalaman mula sa totoo kung Uncle kundi ang umiyak at napaakap dito.




Napuno ng hagulhol ang boung library sa lakas ng aking iyak, hindi ko mapigilan ang mga luhang gustong kumawala sa aking mga mata sa subrang gaan ng aking loob dahil sa mga narinig ko mula sa kanya.







Kaya pala mulat sapul palang ay hindi ako kumportabli kay Tito Alan, una sya ang pumatay sa aking Lolo, pangalawa sya ang dahilan kaya nag iisa na lang ako ngayon dito sa mundo at hindi ko na kapiling ang aking mga magulang pati na ang bunso kong kapatid na lalaki at pang huli sya pala ang pasaimuno sa parating pag dukot sa akin mula pa ng bata pa ako.










Sawakas mabibigyan na nang hustisya ang mga kasalanang ginawa nito sa pamilya ko.







May plano kasi si Uncle Mathew para mahuli ng tuloyan si Tito Alan para matigil na ito sa kanyang mga masasamang balak para sa akin.






Naging madali ang lahat ayun sa plano ni Uncle Mathew kasi naki isa ang lahat sa kanya kasama na riyan ang mga Tito's ko na kapatid nang aking ama dahil sa galit nila sa pag patay sa aking mga magulang at kapatid.








Kasi sali rin ang lahat kong mga pinsan lalo na ang pinsan kong si Christian, kaya pala panatag ang loob ko sa kanya mula pa noong una kaming mag kita. Sya pala ang totoo kong pinsan, kaya rin pala parang kapatid ang turingan naming dalawa.









....graduation.day......

Sa araw ng graduation ceremony ay planado na ang lahat ayon sa plano ni uncle Mathew upang mahuli si Tito Alan, kailangan ko lang mag panggap na hindi ko alam ang lahat tulad dati noong hindi ko pa alam na si uncle Mathew pala ang tunay na kapatid ng aking inang namayapa.








Sa araw ng graduation ay nakahanda na ang lahat sa pag huli kay tito Alan kaso ngalang nabulilyaso dahil sa may naka ambang rin palang plano sina James, buti na lang at na dulas ang bunganga nina Ian at Jeff kaya na isang tabi muna ang plano ni uncle Mathew upang hindi makahalata sina Marky at uncle Alan sa sikritong planong naka ambang para sa kanilang mag ama.









......wedding.day......

Napang pasyahan ng lahat na sa araw ng kunwariang kasal ko kay Marky nalang isagawa ang plano na naudlot dahil kay James, kahit na gustong gusto kong sumama sa kanya ng araw na pag balak nya sa akin na dukotin ako noong graduation namin ay pinigil ko ang aking sarili.









Kailangan managot muna si Tito Alan sa kasamaang ginawa nito sa aking pamilya bago ko bigyan ng pansin ang aking sarili na lumigaya sa piling ni James.









Sa mga panahong ginaganap ang aking kunwariang kasal kay Marky ay nabalitaan kong napasugod si James sa simbahan kung saan gaganapin ang aming kunwariang kasal ni Marky.







Kinabahan ang lahat na baka mabulilyaso nanaman ang lahat kapag nakalapit si James sa loob ng simbahan kaya sinubukan ng lahat na pigilan si James na makalapit sa mismong simbahan.







Muntik ng makahalata sina Marky at Tito Alan dahil sa ang daming mga security guards ang pumigil kay James noon upang huwag makalapit sa simbahan buti na lang at naka isip agad ako ng palusot na talagang sinandya kong ikalat lahat ng aking mga bodyguards pati na ang mga na hire ng mga Tito's ko upang bantayan na hindi makalapit o masira ni James ang kasal ko kay Marky.








Happy "Sam Lopez" MontenegroWhere stories live. Discover now