Second Chance

48K 199 15
                                    

Ley's POV

Ayoko na talaga sawang sawa na ako sa ugali niya.. Oo mahal ko siya pero ayoko ng ganito hindi ko na kaya! Lagi nalang ako ang mali..kahit siya ang mali ako parin ang mali..bakit di niya makita ang pagkakamali niya..kung siya magtampo todo suyo naman ako sa sobrang katangahan ko eh kung ako ang magtampo ano naman ang napapala ko ay edi galit din siya! Minsan nga naiisip ko nalang kung mahal niya ba akong talaga? Bakit siya ganoon? Oo ma pride siya..eh diba pagmahal mo ang isang tao kaya mong kalimutan yun.. Ako ma pride ako.oo pero pagdating sa kanya nawawala ang pride ko..
Umalis akong umiiyak..sinabi ko sa kanyang hindi ko na kaya! Ayoko na sawa nako gusto ko na siyang bitawan! Pero hindi manlang niya ako pinigilan..
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa nakarating ako sa apartment..ni walang txt o tawag galing sa kanya..baka nga siguro gusto na rin niyang makipaghiwalay hindi lang niya masabi.. Ano ba kasi kulang..minahal ko naman siya..seryoso ako sa kanya loyal ako lahat lahat na..pero bakit??

Buong gabi akong umiyak at sinasabi sa sariling makakaya ko rin to kahit alam kong hindi..pero kakayanin ko kasi ano pa ang mapapala ko kung hindi naman ako kayang pahalagahan ng taong mahal ko.. Hindi naman sa lahat ng oras ang nararamdaman niya lang ang iintindihin ko.. Paano naman ako? Paano kung ako naman ang nasasaktan o nagtatampo kung saan isang sorry lang niya ok na ang lahat.. Ganoon ba talaga ka unfair ang love? Yung mga binibigay mo hindi nasusuklian ng tama?
Kailan niya maiisip na kailangan niya ako? Na hindi niya kayang mawala ako? Naiisip niya kaya yun o kaya niya talagang wala ako? Eh sana sa una palang hindi na siya nangligaw..para hindi naman ako umasa na may isang taong nagmamahal sakin..

Lumipas ang isang linggong nakaya kong hindi siya nakikita, nakakausap o nakakatext manlang.. Pero walang gabing hindi rin ako umiiyak.. I know everything will be ok.. May mga rason kung bakit ako nasasaktan ngayon.. Nangayayat ako sa isang linggong walang maayos na kain at tulog..alam ko yun pero wala talagang gana..ganito talaga ang epekto pag umibig.. Tinaya ko ang puso ko eh kaya dapat kayanin..

May kumatok sa pinto..wala naman akong inaasahang bisita..sa itsura kong ito ayokong lumabas..agad ko namang binuksan ang pinto laking gulat ko nang makita ko si Sha ang ex ko na dahilan kung bakit ako ganito ngayon..

Sobrang ganda niya parin..sexy! Ang buhok niyang nakalugay lang natural na straight..

"Ley" mahina niyang sabi..tumalikod ako..
"Pasok" tipid ko namang sagot niya..pumasok siya sa apartment umupo kami sa sofa..
"Anong kailangan mo Sha" tanong ko sa kanya pero hindi parin ako makatingin sa mga mata niya
"Ley i'm sorry.. I love you" sabi niyang maiyak iyak..binigyan ko lang siya ng sarkastikong tawa..

"Alam kong mali ako Ley.. Please come back to me" sabi niya..
"No Sha..i'm tired" tipid kong sabi dahil pinipigilan ko lang ang sarili kong umoo kailangan kong mapatunayan na nagbago na talaga siya
"Di mo na ba ako mahal?" Tanong niya na may luha sa mga mata. Hindi ko gustong nakikita siyang umiiyak nasasaktan ako..
"Alam mo namang mahal kita Sha mahal na mahal.. Binigay ko sayo lahat.. Pero mas mahal mo ang pride mo kesa sa akin Sha.." Hindi ko naring napigilang umiyak..
"Alam ko mali ako Ley..pero mas mahal kita sa kahit ano at sino paman" hinawakan niya ang mga kamay ko pero agad ko naman tong iniwas
"I'm sorry Sha..tapos na tayo!" Parang dinudurog ang puso ko.. Tumayo ako at binuksan ang pintuan..senyales na kailangan na niyang umalis..
Tumayo siya at sumunod sa kin
"Hindi ako titigil Ley" sabi niya bago lumabas ng apartment

Simula ng pag uusap namin.. Araw araw may bulaklak sa pintuan ko..lagi rin siyang nagtetext..sinusundo naman niya ako sa trabaho.. Hindi talaga tumigil si Sha..niligawan niya ako ulit.. Hanggang sa isang buwan na ang lumipas..hindi siya napapagod na ganoon ang set up namin kahit minsan binabalewala ko lang siya hindi pinapansin..pinapahirapan.. Nakita kong mahal na mahal ako ni Sha pero natatakot akong sumugal ulit.. Natatakot akong masaktan muli.. Mahirap sumugal lalo na kung natalo kana sa una.. Pero she's the one i love the one i need wala ng iba.. Natatakot din naman akong baka dumating ang oras mapagod na siya at pumunta sa iba..mas hindi ko kakayanin..

"Sha" tawag ko sa kanya nasa apartment kami ngayon.. Nagluluto siya ng pagkain para saming dalawa
"Yes Ley" sagot niya

"I love you Sha" sabi ko na ikinangiti niya kitang kita ang dimple niya..
"I always love you ley.. So? Tayo na ulit?" Excited niyang tanong.. Tumango ako bilang sagot..

Niyakap niya ako ng mahigpit..hinalikan niya ako sa noo..kitang kita ko ang luha niyang unti unting pumapatak...

"I love you baby" sabi niya
"I love you too baby"

Lumipas ang mga buwan at araw na masaya kaming dalawa. May kaonting away tampohan pero naaayos din naman..masasabi kong nagbago na nga si Sha..mas lalo ko siyang minahal at ganoon din naman siya sakin.. Hindi niya sinayang ang pangalawang pagkakataong binigay ko sa kanya.. Mas sinulit pa niya ito mas pinakita niya kung gaano niya ako kamahal..

Kung mahal mo ang isang tao..may mga bagay talagang kailangan isakripisyo tulad ng pride mo..wag mong hintayin mawala pa ang taong mahal mo dahil lang sa pride mo...wag mong iparamdam sa kanyang nag iisa lang siya sa laban ng relasyon nyo..lagi mong ipaparamdam na nandyan ka para sumuporta sa kanya at sa kung ano man ang pinagdadaanan niya.. Dahil partner mo yan eh..pinili mo siya para maging katuwang sa buhay..magtulungan kayo..magintindihan at higit sa lahat magmahalan..

Thankies...
Please vote and comment!

One shot stories (gxg)Where stories live. Discover now