Hannah Hidalgo is...

5.1K 158 35
                                    

"Hannah, Hannah, Hannah. Bat hindi Barbara, Barbara, Barbara? Dahil ba mas kilala ka? Dahil ba mas may alam ka sa larangan na'to." Ang tinutukoy dito ay ang pagsali sa beauty contest.

"Hindi kita kilala, kung wala kang mapagtripan dun ka sa labasan. Contestant ako." Aakmang aalis na si Hannah. "Saan ka pupunta, Hannah?" Mala-malditang tono ang isinampak ni Barbara kay Hannah. "Hindi mo ba alam na contestant din ako? Hahahaha. Tignan nalang natin kung sino ang mananalo!"

Malapit na magsimula ang inaabangang Ms. Gandang Sora 2017, isa-isa ng naghanda ang bawat contestant sa nasabing contest, nahati ang mga contestant sa dalawa para sa opening nasa kaliwa si Hannah at nasa bantang kanan si Barbara.

"Let's now call on the 30 beauties, wearing there casual wear."

Isa-isa nang rumampa ang bawat kandidata. Naghihiyawan ang tao at nagpapalakpakan! May kaniya-kaniyang suporter at fan ang bawat kandidatang sumali.

"I am the complete attire of womanism, Hannie Nahrain Hidalgo, 21, ****** Philippines."

Halos lahat humiyaw ang mga taong nanunood dahil kay Hannah.

"Though and beauty, insecurity won't make you pretty, hating me won't let me down and bashing me won't conquer myself, Barinia Baragarde Compuz, 21, from the land of south-north-east-west-, *******."

Halos lahat hindi na naintindihan ang sinabi ni Barbara pero may iilam ang pumalakpak.

Nabanggit ang top 15, hindi nagpatinag si Hannah at Barbara. Maging sa pag anunsyo ng top 10 nandoon parin ang dalawang kandidatang uhaw na makuha ang korona, hanggang sa top 8 na ang inanunsyo pero napasama parin sila.

"Okay, ladies... beauties there are 8 question to be answered by you. So now, let's proceed to Tarantanong."

Hanggang sa ang tanong ay para na kay Barbara. "Okay contestant no. 16 here's your question... 'Pag sinabi mo ang sabi-sabi para sabihin na ang nagsabi ay hindi totoo ang sinabi, ano ang iyong dapat sabihin?"

"Your time starts now."

"Hindi ko mawari kung ano ba ang sabi-sabing tinutukoy, but I believe in every words we say, in every word we hear we temporarily thinks... that line na hindi totoo ang sinabi, I prefer to differentiate bias people... those who aren't seen by people around them cause theres someone known... imulat ang mata at para makita ang halaga. Maraming salamat po!"

Napatayo lahat ng judges sa kanilang kinauupuan ngunit iilang manunood lamang ang pumalakpak para kay Barbara.

Si Hannah na ngayon ang sasabak."Your question is, Kung ang pagbigay ay hindi dapat kabigay-bigay, sapat nabang ipamigay ang bagay na kung ituring ay mahalagang bagay?"

"Your time starts now."

"People actually knew that the thing is... trust and words deed. Samo't-saring bagay ang dapat hindi basta basta ipinapamigay, gaya ng pagbibigay-tiwala sa lahat, kung may tiwala ka kikilalanin ka, hindi lang sa gawa at maging sa salita. Thank you!"

Mukhang nakapagdesisyon na ang mga hurado sa walong kandidata may tatawagin at siya na ang panalo sa patimpalak.

"Gandang Sora Earth goes to Kandidatang 20."

"Gandang Sora Globe goes to Kandidatang 16."

Natawag si Barbara bilang second placer.

Heto na ang pinakahihintay na lahat, the most-awaited scene.

"The Gandang Sora Universe 2017, Kandidatang 6 Hannie Nahrain Hidalgo."

Halos naghiyawan na lahat ng mga taong dumalo.

HANNAH HIDALGO [ HANNIE NAHRAIN HIDALGO IS UP ]

CONTINUE READING MY STORY, HUWAG KALIMUTANG MAGLAAN NANG COMMENTS AT MAGBIGAY NG MGA PUNA SA AKING GINAWANG PANIMULA NG KWENTO, ABANGAN! ✨

Her Revenge | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon