Chapter 22: Sabak

381 37 2
                                    

Chapter 22: Sabak

Hannah's POV

Hindi ko parin maalis sa isip ko ang kaganapang nangyari kanina. Isang panaginip lang ba ito na kailangan akong gisingin?

Inistress ako ng tao.

Nanatili ako sa opisina ni Daddy. Kitang-kita ko ang bakas ng pagkalkal ni Barbara. Ang kinalabasan nito ay kalat-kalat. May talagang hinanap siya. At mukhang importante ito.

"Travon, I need your help." Iritado kong saad sakaniya sa kabilang linya ng telepono.

"Ano na naman ba ang nangayari?" Walang malay niyang tanong.

Sinabi ko naman na may dapat siyang malaman at dapat rin namin pagplanuhan ang pagsabak.

Pagsabak sa trahedya. Kailangan kong gawin 'to, ayokong may mangyaring kung ano na ikakababa ng kompanya.

"Gusto niya pala ah," Sambit ko sa sarili ko. "Makikita mo, Barbara. Hindi kita sisirain sa media. Pero hindi mo malalaman na bigla-bigla ka nalang mawalan."

Ilang oras pa ang lumipas nang marinig ko ang pagtunog ng pinto dahil sa katok.

"Pasok," pasigaw kong sambit.

"You look pissed," napahalakhak siya ngunit bumalik ulit sa dating gawi.


Magulo ako ngayon pero sana naman mapaayos niya ako. Ang tindig niya ay nakakaakit.

"Titig na titig ka ata." Napaismid siya. Hindi ko naman maiwasang matitigan siya ngunit matapos ang pagsabi nito nagulantang ako at umayos na sa sarili.

Lumapit siya sa'kin at ako naman na nakatayo ay napatayo na rin, "Okay, may balak ka bang sabihin. O, tititigan mo lang ako?"

Ako naman lumayo sa kaniyang paglapit at umupo sa lamesa ng opisina ni Daddy, "Maupo ka," tinuro ko ang upuan sa may harapan nito at naupo naman.

"Kinuha niya ang isang folder malapit dito." Tinuro ko ang magulong parte ng drawer halatang nangalkal nga.

"She's looking for something important." He said. Importante ba? Masyado na siyang nakakasira.

"Alam mo ba ang bahay niya?" Iritadong tanong ko. Kating-kati na ako sakaniya, gusto ko siyang kalmutin hanggang malumog-lumog ang balat nito.

Sinabi nito kung saan at alam niya kung ano na ito. Ang pagsabak ko.

"Ipakita mo ang nararapat." He said. Nginitian ko nalang siya bilang sagot at ipinagdrive ako papunta doon.

Nanatili kaming nasa tapat nila at kailangan ko lang ng hangin para huminga. "I'm ready," sambit ko at lumabas na.

Nakita ko ng papasok ako sa direksyon ang paglabas ni Barbara na kasama ang isang pamilyar na lalaki. Si Coach.

"The biatch is here," halakhak na sambit ni Barbara. Nilapitan ko naman siya at bineso, matagal na beso habang napairap nalang ako sa hangin.

"Long time, no see," Maang-maangan niyang saad. "Miss me?"

At napakagaling maging artista ng bruha. "Namiss kita," linapitan ko siya.

Dinahan dahan ko ang paglapit at ng makakuha ako ng tyempo mabilis kong sinapo ang kaniyang leeg.

"Anong nangyayari dito?," Magulong tanong ni Coach.

"Bitawan mo siya, Hannah." Pagmamakaawa niya.

"Ang pangunguha ng papeles ni Daddy ay di sapat ang sakal. Baka nga ipablotter ko 'to, e." Mataray kong sambit.

"Did you do that?" Tanong niya kay Barbara. Hindi muna nakasagot si Barbara matapos ko siyang sakalin.


"I do that for my revenge. Hindi ka lang ang dapat magrevenge, ako rin. At hindi ka nga dapat magrevenge. Ako! Kami nila Papa at Mama." Maluha-luha niyang sambit.

"Why?" Naguguluhan na si Coach.

"Hindi mo alam ang past namin." Pumasok na sa loob si Barbara at ayaw ko ng sundan pa. Isa lang 'yon sa dapat kong gawin. Pisikalan muna tayo.

Bumalik ako sa kotse, "Thank you for taking me here, mukhang nasiyahan ako." Pagsasalamat ko rito at dali-daling binarurot ang sasakyan.

------

An: Ngayon lang ako magpapasalamat, dahil sa suporta niyo! Salamat sa mga sumuporta. May ilan pang chapters ang tatapusin, sa ngayon maghintay lang kayo sa updates ko. Alam niyo na, studyante.

Her Revenge | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon