Chapter 18: Meet

394 31 3
                                    

Chapter 18: Meet

Hannah's POV

Matapos ang ilang araw na paghihintay para sa photoshot ni Barbara.

Kasama ko ngayon si Victor at naghahanda para sa mga staff na kasama sa pag-organisa ng photoshot niya.

"Matagal na po ba kayong magkakilala ni Barbara?" Tanong niya. Napakagandang tanong.

"May pinagsamahan lang." Sambit ko. Alam kong magtatanong pa siya.

"Baka nga po, dahil hindi na kayo magkakalayo lalo na kapag nag-uusap." Sambit niya at biglang tumalikod dahil tinawag siya ng isang staff.

Marahil yun ang kaniyang alam at aking nirerespeto ang pagtingin niya sa aming relasyon.

Nakita kong lumabas si Barbara mula sa silid palitan na mayroon sa kwartong aming pag po-photoshotan, "Ang ganda ko talaga." Sambit niya at tinignan naman ni Victor ang bagong labas na Barbara.

Aking namataan ang pagtatawanan nila, ang hampas ni Barbara kay Victor na parang wala lang kay Victor. Dahil wala pa naman ang ibang staff kakailanganin ko munang lumabas at magpahangin. Ayokong nakakakita ng kung ano-ano sa paligid. Nakakairita! Nakakasuka.

Nakuha ko ang number ni Coach.

Tinawagan ko ito.

"Pwede kaba ngayon Coach?" Tanong ko sakaniya.

Nasa kabilang linya siya at narinig ko naman ang matikas niyang boses. Na naman.

"Oo. Gusto mo bang lumabas? Himala nga't ikaw ang nagyayaya." Sambit niya habang tumatawa.

Sinabi ko namang sa lugar na kung saan ay mangyayari ang photoshot ni Barbara. Tinanong niya kung sino naman ito. At sinabi ko namang magtungo nalang siya dito at ipapakilala ko siya sakaniya.

Makikilala nila ang isa't-isa. Ang magkatagpo sila ay magandang pangitain ito sa akin.

Nakita ko ang pag-ilaw ng aking telepono. Nakita ko ang notification. Ang pagtawag ni Travon ang aking namataan.

Sinabi niya lang na pupunta siya sa kompanya. Ako naman ay pinayagan siya at nais ko talaga ang kaniyang presensya.

Pumasok na ako sa kwarto na kung saan magaganap ang photoshoot ni Barbara. Ang babae ay nakaayos na at mukhang handa na sa kaniyang inaasam-asam.

Nagsimula na ang kaniyang photoshot ako naman ay naging payapa. Wala muna akong makikitang landian ni Victor at Barbara.

Nakita ko ang text ni Coach.

Coach:

Nasa labas na ako. Papunta na ako diyan.

Ilang oras palang ay narinig ko ulit ang cellphone ko. May nagtext.

Coach:

Papasok na ako.

Naramdaman kong bumakas ang pinto at nilingon ko siya. Mukhang maayos naman siya. Ang tindig niya ay nakakaganda sa ganiyang pagkalalaki.

"Okay, mamaya ulit. Let's have a break!" Sigaw 'nong isang staff.

Lumapit sa akin si Coach, "Hi. Ano na? Asan na yung ipapakilala mo sa akin?" Ang gigil sa kaniyang tono ang umusbong. Nakita ko namang excited siya na makita ito.

"Teka lang."

Umalis muna ako at pinuntahan si Barbara.

"Nice friend." Bineso ko siya.

"Thanks friend." Nakita ko ang ngiti niyang nakakaloko. Ako naman ay tinalasan siya ng mata pero napa ismid nalang ako.

"Ipapakilala ko pala sa'yo si Coach." Sambit ko, "sunod ka,"

Naramdaman ko naman ang pagsunod niya dahil sa yapak. Nakita ko ang mangha sa mukha ni Coach.

"Hi, miss." Bati niya rito.

"So, Coach? Kasi nabanggit sa'kin ni Hannah na Coach ka daw." Nakipagkamay pa ito sakaniya at mukhang ayaw ng bitawan ni Coach.

"Maiwan ko muna kayo." Pagpapaalam ko sakanila.

Nakita ko ang titig na titig na mukha ni Victor sa dalawang nag-uusap.

"Ma'am kaano-ano niyo 'yun?" Tanong niya sa'kin.

"Kaibigan ko siya." Sambit ko.

"Kailangan bang magkakilala silang dalawa?" Tanong naman ni Victor na may lungkot sa kaniyang boses.

Ang pagkakakilala ni Coach at Barbara ay naisakatuparan na.

------

Vote Vote Vote ❤❤❤

Her Revenge | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon