Chapter 21: Get Ready

403 32 5
                                    

Chapter 21: Get Ready

FIERCE NA ANG EKSENA NGAYON, BE READY FOR THE UPCOMING SCENES!

Hannah's POV

Balisang balisa ako ngayon habang nakahiga, puro nalang 'paano' ang tumatakbo sa isip ko. Panaginip lang ba iyon para magising ako o nangyari na ang kinakatakot ko? Wag naman sana. Hindi pa ako handa.

"Ate, bukas nalang tayo pumunta sa hospital. Dalhin mo ang ibang gamit ni Mommy do'n." Sigaw ni Fred sa kabilang pinto ng aking kwarto.

"Tsaka magpapahatid tayo bukas." Dugtong naman ni Bet.

"Bye!" Sabay nilang sambit.

Narinig ko ang yapak ng kanilang paa at namataan kong umalis na talaga sila.

Napag isip-isip ko na kailangan ko na ring matulog dahil sa mga nangyari ngayon dahil hindi ko na kaya.

----

Umaga na ng Linggo ako ay nagplanong dumalo muna sa misa at balak kong isama ang kambal.

"We're going to pray for Daddy." Saad ko at tumango naman na sila at nagpalit na ng pangsimba.

Buong misa, ang pagaling lang ni Daddy ang ipinagpi-pray ko, nakita ko ang kambal na kapatid ko habang nag hohomily si father na nakikinig.

Ngayon, naintindihan ko na kung bakit niya ako pinatuturuan. Na, ako pala ang magmamana. Kailangan ko ng seryosohin ang lahat.

Matapos ang misa nagtungo na kami sa ospital kung saan ipinunta si Daddy ngayon.

Ang mga nurse ay may kaniya-kaniyang duty at may mga pamilya ng pasyente ang naghihintay.

"Where's Daddy? I want to see him now," nag-aatubiling sambit ni Bet. Awang-awa ako sa kapatid ko.

"Tara na."

Iginala ko na ang mata ko sa bawat numero ng pinto ng kwarto. Room 76. Malapit na kami.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang paghawak ni Mommy sa kamay ni Daddy habang si Mommy ay nakaupo at nakapikit. Nagdadasal din ata.

Ang mga kapatid ko nakayakap sa beywang ni Mommy at isinandal nila ang ulo sa balikat.

Ako naman ay lumapit at yinakap sila.

"Gagaling si Daddy," magsilang saad ko sakanila.

Sinabi ni Mommy ang case ni Daddy, stress. Dahil na rin sa age niya. Inumin din kasi si Daddy ng mga beer.

"Thank you, Anak." Sambit ni Mommy at ginantihan ako ng napakahigpit na yakap.

Nagpaalam muna akong lalabas. Nakita ko ang hitsura ko sa glass window. Nawindang ako, yung mukha ko parang pinagdaanan ng panahon.

Nagtungo muna ako sa cr ng hospital para mag ayos-ayos, dala ko ang shoulder bag ko.


Natapos na rin akong mag-ayos at pwede na akong umalis.

Pupunta ako ng kompanya.

"Good Morning, Ma'am" bati ng bawat empleyado. Ginantihan ko naman sila ng ngiti at nagpaalam agad-agad.

Nagtungo ako sa opisina ni Daddy para makita ang kabuuan nito. Kailangan ko ng mga impormasyon.

Wala akong Victor na makita ngayon, marahil abala sa mga gawain niya. Hindi lang naman siya tutor ko kundi staff na rin siya.

Nagtungo na ako sa opisina at nakita ko ang isang staff na nakatalikod habang may hinahanap sa drawer ng opisina ni Daddy.

"Anong kailangan nila?" Tanong ko. Hindi pa humaharap ang staff. Naaninag ko ang kaniyang kabuuan. Parang kilala ko 'to dahil sa tindig niya.

"Barbara?" Gulantang kong sambit. Aakma na akong lalapit sakaniya at bigla siyang humarap. Ang mukha niya ngayon ay nakangiti. At may hawak siyang FOLDER.

"Anong gagawin mo diyan?" Tanong ko. Hinablot ko ang folder ngunit mas malakas siya kaysa sa'kin.

"Get ready for the battle. Iisa-isahin ko kayo." Tumindig ang balahibo ko. Aalis na sana siya at hinila ko ang kaniyang bisig, at ipinaharap ito sa'kin.

"Ano bang kasalanan ng pamilya ko sa'yo?" Tanong ko. Maluha-luha na ako at nagpipigil lang ako.

"Ang kasalanan niyo? Marami. Mga mang-aagaw." Singhal niya at agad na nagtungo sa pintuan at tumakbo. Hindi ko na mahahol dahil ako'y pagod.

Nawala ang mga balak ko at parang naunahan ako. Sige lang, Barbara.

Her Revenge | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon