Chapter 12: Pinili dahil

499 40 7
                                    

Chapter 12: Pinili dahil

Hannah's POV

Nakapagpaghinga ako saglit, kinailangan kong lumamig dahil di ko na kaya ang init nong nakaharap ko ang babaeng matagal ng bumagabang sa aking pagkatao.

"Ma'am, okay ka lang? Baka kasi pwede natin itong i-pospone at huwag muna ituloy ngayon." Suhenstiyon ni Victor dahil nga ay hindi maganda at napansin niya ang pakiramdam ko.

Tama siya, baka hindi nga magiging maganda ang araw ko. Ang maasikaso niya masyado, maging ako ay naapektuhan sa sinasabi ni Victor. Maalaga siya.

"Kahit ngayon na, pero baka mamaya nalang siguro natin simulan." Sambit ko.

Bakit uminit ng biglaan ang dugo ko sa pagdating ni Barbara. Siya nga ang kakailanganin kong kilalanin. Ang babaeng kailanma'y hindi ko pa masyadong kilala ngunit kilala niya ako.

"Victor, tawagin mo na ang mga sasabak." Utos ko sakaniya.

Isa-isang pumasok ang babaeng may hawak hawak na folder at kitang-kita ko rin ang kanila kaba baka hindi sila mapili. Ganiyan din kasi ang nararamdaman ko kapag sumasabak na ako sa Beauty Contest. Ang hirap ma-reach ng mga qualities. Kailangan talaga mapiga ko.

At himala naalala ko na.

"Okay. Next."

"Next please."

"Susunod."

"Mayroon paba?"

Narinig ko ang pihit ng pintuan at dali dali akong napatingin sa gawing iyon. Tila tumigil ang lahat. Lumabas ang init ng aking dugo ng makita ko siya.

Nakita niya akong nakaupo sa may judge chair at kitang-kita sa mukha niya ang gulat ng ako'y kaniyang nasilayan.

"Ano gulat ka 'no?" Biglang labas ng salita sa aking bunganga. Lahat sila'y nagtayuhan at nagulat bakit sinabi ko iyon.

"Chill guys. She's just my good friend." Tinignan ko siya at binantaan ko siya ng nakakalokong ngiti.

"Hannah. Long time no see. Since when kapa nagkamalay? Hindi ba effective ang pagka-amnesia mo?" Singhal niya at tinapunan niya din ako ng ngiting demonyo.

Hindi na ako makakapagpigil at hindi na rin ako makapagtimpi. Ang babaeng ito ang dahilan ng lahat, kaya magbabayad siya.

"Friends are just like us. Nagbabangayan." Halakhak kong saad.

Nakita ko ang ekspresyon ng mukha nilang lahat. Hindi ko maipinta ako kanilang mga nararadaman, yung iba ay nagtataka.

"Kung ako sainyo, kaibigan ko siya. Kakilala ko siya sa beauty contests. Parehas nga kaming naipapasok sa top 3, e." Pagmamalaki ko sakanila.

"Oh before I forgot nga pala. Ikaw na ang pipiliin kong endorser para hindi kana magmaktol dahil akala mo ako ang kukunin, duh? Hidalgo Company ang pinasukan mo. Welcome."

Garalgal siyang nilapitan ako. Kunware ay ngumiti kami. Patuloy parin ang paglapit namin at nakita ko ang kaniyang nagpipigil na mata.

"Thank you friend for this oppurtunity. I actually like to work with you as my friend."

Niyakap niya ako at sa likod nito ay inirapan ko lang. Akala niya hindi ko memoryado ang galaw niya? Alamin niya na lahat huwag lang ang pinakadahilan ko kung bakit ko siya pinili.

"Pinili kita dahil maganda ka sa paningin ng iba. Maitataas mo ang benta ng pabango. Magiging isa kang superstar kapag ginalingan mo ng maigi." Pagsisinungaling ko.

Ang totoo, gusto ko siyang gantihan sa napakagandang paraan.

Hindi na ako magpapalinlang.

---

Authors Note: Don't forget to comment and vote! ❤

Her Revenge | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon