Chapter 1: Amnesia

2.3K 97 24
                                    

This chapter is dedicated to: winteriels :) read her story "The Spave Between Us" maganda yun ♡

Chapter 1: Amnesia.

Hannah's POV

Ano itong suot ko? Ba't may korona sa ulo ko? Bakit may sash na nakakabit sa suot kong damit bakit ako lang ang naiilawan? Bakit madilim ang paligid?

Asan ako?

"Hannah Hidalgo." Nagbanggit ng pangalan ang isang babaeng diko naman kilala. Sino siya?

Papalapit siya sa akin habang pumapalakpak ng mabagal, may nanalo ba?

"Ako ay nagtagumpay." Nakapameywang naman siya ngayon at tinatarayan ako. Bakit?

"Hindi kita kilala, makakaalis naba ako?" Tatayo na sana ako nang biglang may bagay na humila sa akin pababa sa dati kong pwesto kanina. Anong nangyayari?

"Sayo ang korona, sayo ang sash. Pero para sa akin, ako ang panalo. Nawala ang pag-iisip mo at nagtagumpay ako." Humalakhak siya ng napakalakas.

Bullshit. Sino ba ako?

"Kung totoo ang sinasabi mo bakit mo ginawa iyon? Hindi naman ako nanalo a, bakit may korona ako? Kung gusto mo iyo nalang. Pati narin itong sash na nakakabit na tila ba pampabigat sa aking suot. Baka pati itong suot kong ito?" Itinuro ko ang paa ko. "Gusto mo din?"

Sa wakas, makakalabas na ako sa madilim na lugar na iyon.

Palabas na ako ng biglang may humarang saking isang lalaki.

"Hannah." Sambit nito. Sino ang tinatawag niyang Hannah? Tumingin ako sakaniya at binalewala.

"Ako 'to..."

Sino daw?

Isang lalaking hindi ko mawari kung sino. "Sino ka?" Tanong ko sakaniya.

Sinabi niya na na Hannah raw ang pangalan ko. Hindi naman ako si Hannah. Hindi ko alam kung ano ako pero hindi ko matandaan na may Hannah akong pangalan.

Yung sash? Yung korona?

"Ikaw si Hannah. Ako ito si Travon, ang kaibigan mo." Unti-unti siyang lumapit sa akin at ako habang nakatayo ay unti-unti ring lumalayo. Baka kasi anong gawin niya sakin.

"Sino kaba? Wala akong kilalang Travon. Hindi ako nagkaroon ng kaibigan." Umiiling iling ako dahil sa inaasta niya. Hindi ako si Hannah, okey?

Kinuha niya yung cellphone niya, alam ko yun cellphone talaga ang kinuha niya sa kaniyang bulsa. Tila may tinitignan siyang kung ano at ipinakita sa akin.

"Ano naman meron sa picture na iyan?" Napaismid ako bigla at naglakad palayo sakaniya.

Sino nga ba siya?

Nang makalayo ako narinig ko ang pagtalimpak ng kaniyang suot na sapatos.

Hinila niya ako paharap sa kaniya, "Na-amnesia ka. Inamnesia ka ng Barbarang iyon."

Barbara?

"Hindi nga kita kilala, paano mo siya kilala? Miski ako diko siya kilala, basta ko nalang ibinigay ang suot kong korona at sash na nakasuot sa aking katawan."

"Wala ka talagang naaalala. Inggetera kasi si Barbara sa iyo."

Unti-unti siyang lumapit sa akin.

"Bakit mo ako isinasama?" Pagmamaktol ko habang kinukuha niya ang kaliwang braso ko, napakalakas niya at hindi ko kayang magpumiglas.

"Hahahaha poor you!" Narinig ko ang halakhak ng babaeng kanina ay kasama ko sa madilim na parte na ngayon ay suot suot na ang ibinigay kong korona at sash.

Hindi ko alam, naguguluhan ako sa lahat ng nangyayare.

Sino ako?

Sino si Travon?

Sino si Hannah? Ako raw?

Si Barbara? Kalaban ko?

Unti-unti na akong sumama at pumasok sa sasakyan ni Travon na nagsilbing tagapaligtas ko.

Her Revenge | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon