Chapter 30: Finale (Bittersweet Revenge)

1K 39 9
                                    

Chapter 30: Finale (Bittersweet Revenge)

Hannah's POV

Naging okay na ang lahat. Simula sa parteng naguluhan ako sa nangyayari at pinilit kong intindihin. Nalutas ko ang sarili kong problema. Ang biglaang pagkawala ng aking sarili sa mundong ito ay naibalik.



Ang lamig ng simoy ng hangin. Matapos ang ilang taong pagpunta ko sa states upang matuto pa, nagawa kong pagtagumpayan.

Si Bet malapit ng grumaduate ng Junior High at ilang kembot nalang matatapos na rin ang buhay High School.

Si Fred naman, ambassador na ng kompanya namin dahil sa hawak naming club team sa volleyball league.

Si Travon naman ayun nasa Canada sinundan ang kuya niyang si Tyron. Balita ko nga kay Tyron may asawa at anak na nga.


Si Coach, napatawad ko. Siya ngayon ang humahawak ng club team ng kompanya. Head Coach siya ng mga lalaki. Successful naman siya sa buhay. Actually kasal na sila ni Barbara.


Si Barbara, friend na kami. Ang tagal na rin pala bago kami maging magkaibigan. Biruin mo buntis na siya. Ninang din ako sa anak niya. Pinatawad ko na rin siya at hawak niya ngayon ang modelling staff ng mga perfume.


Si Mommy at Daddy, gusto ng magkaapo. Baka mawala daw silang hindi man lang ulit nakakahawak ng baby. 27 years since ipinanganak nila ako. And now they are in mid-60's.

Si Victor, ayun asawa ko na. Siya na rin ang partner ko sa pagpapalaganap ng kompanya. Ang hanep ng story namin 'no, tutor ko lang siya dati pero ngayon asawa ko na.




NASA gitna kami ng kasiyahan dahil binyag na ng anak ni Barbara at Coach. Nakita ko kung gaano kasaya si Barbara sa nakita nito.

"Mommy kana," bati ko sakaniya at niyakap.

Kinarga ko ang bata at hiwakan ko ang kaniyang mga bising at sinasayaw ito. Magkahulmang Barbara at Gio.

"Hanep din ng story niyo 'no? Ipinakilala lang kita. Ngayon ay mag-asawa na. Ganon ba ako kagaling sa destiny?" Natatawang tanong ko. Actually balak ko lang sanang wasakin ni Gio ang puso ni Barbara, wala e mahal nila ang isa't-isa.


"Bestfriends?" Tanong niya sa'kin.

"Bestfriend naman tayo."

"At ang bestfriend ay nagmamahalan."



Childhood saying namin 'yon nila Travon. Nakalimutan ko siyang ituring na kaibigan dahil sa kaniyang ka-bitch'an sa buhay. Sawa na rin ako sa paghihiganti. Ang higanti ko naman siguro ngayon ay yung pagmamahal sa nakagabay sa'kin. Kay Victor at kila Barbara.

"I love you," bulong ni Victor sa'kin.

"I love you too."

Hinalikan niya ako at gumanti rin ako ng halik sakaniya.




NALAMAN kong buntis ako at 3 weeks ito. Magkakababy na kami. Ibinalita ko rin kila Mommy at Daddy maging sa kambal pati na rin kila Barbara at masayang masaya sila sa'kin.



Mabilis ang pangyayari, ilang buwan din ang lumipas at kabuwanan ko na. Kabado ako. Baka mamaya biglang pumutok ang bahay-bata ko ng hindi ko namamalayan.


"Manganganak na ata ako!" Sigaw ko habang hinahawakan ang aking tyan.



LIMANG buwan na rin ang lumipas at idadaos na rin namin ang binyag ni Rainver ang aming anak.


Dumalo sila Barbara na dala-dala ang anak niya. Malaki na rin si Janelle, 1 year old na siya sa susunod na buwan at proud ako na naging ninang niya ako.



"Mommy!" Sigaw niya.

"Mommy Barbara." Inapiran niya ako at bineso ko siya.


Ang paghihiganti ko at tapos na! BITTERSWEET REVENGE!

------


Thank you for supporting Hannah's story ang Her Revenge sa lahat. Naguluhan kayo 'no? Nalutas din lang naman. Salamat!

Next story: LOVE ME LIKE YOU DO.


PLEASE SUPPORT AGAIN, THANK YOU! ❤

Her Revenge | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon