Chapter 16: Isa pa

425 35 5
                                    

Chapter 16: Isa pa

Hannah's POV

Natapos din ang kasiyahan sa tahanan nila Travon masaya akong nakauwi at itinulog ko nalang ito.

Umaga na. Narinig ko ang pagtunong ng cellphone ko.

Victor...

Sinagot ko naman ito at tinanong kong bakit, ang sabi daw niya balik daw ako sa kompanya.

"May aasikasuhin ka pa po Ma'am." Huling katagang sinambit niya.

Nagtungo ako sa ibaba at sasalo sa hapag, ang mga bata kaya nagkabati na?

"Bet? Bati naba kayo?" Tanong ko sakaniya habang sinusubo ang bacon.

Kinagat niya muna ang ulam na nasa tinidor at sumagot, "Bati na kaya kami," sambit niya.

Tinignan ko nalang si Mommy at Daddy na napa-ewan dahil sa inakto ni Bet. Si Fred nama'y hindi pa bumababa, napansin ko siyang paparating palang papunta rito sa aming pwesto.

Binati niya kami isa-isa, "Good Morning,"

"Good Morning, Mommy at Daddy." Tinignan niya sila Mommy at Daddy tsaka tumango.

"Good Morning maganda kong Ate." Bati niya sa'kin. 12 years old na siya ngunit napakabolero parin. "Utot mo Fred," sambit ko, "Magbati na kayo ni Bet," utos ko.

"Ate, bati na kami." Sambit niya. Nakita ko ngang nagngitian ang dalawang kambal at mukhang iritado si Bet sa inakto naman ni Fred. Niyakap ba naman ni Fred si Bet ng napakasarap.

Matapos ang nangyaring batian ay natapos narin akong kumain. So back to business na ulit.

Pinagdrive ako ni Manong Driver, ang kaniyang ngalan ay Vince hindi naman siya katandaan, nasa mid-30's ang kaniyang edad kaya Manong lang ang tawag ko dito dahil ako naman ay 22.

"Andito na po tayo, Ma'am." Aniya at pinagbuksan ako ng pinto upang makalabas sa sasakyan.

Nakita ko sa may entrance ang mga empleyado ng kompanya, hindi naman pormal ang suot ko dahil nagsisimula palang akong matuto kaya ayos lang kung naka-pang alis ang aking damit at suot pambaba.

"Good Morning, Ma'am Hannah." Bati ng isa't-isa sa akin, nginitian ko nalang sila para ibalik ang bati nila.

Nagpunta ako kung saan ako panay nagpupwesto at pagkabukas ko ng pintuan nakita ko ang mukha ni Victor at Barbara na nag-uusap.

"Naistorbo ko ata kayo." Sambit ko. Aakmang aalis na ako ng makita ako ni Victor.

"Hindi, Ma'am may ilan lang pong tinanong si Barbara sa akin." Pagpapaliwanag niya.

"Pinatawag ko po kayo dahil kailangan niyo daw siyang kausapin." Sambit niya.

Nakita ko ang putok na putok na labi ni Barbara na tumitig sa'kin, tinaasan ko lang siya ng kaliwang kilay at dumiretso sa pwesto nila.

"Oh, Hi. My dear friend Barbara." Bati ko sakaniya at bineso. Napaismid naman ako habang kami ay nagbebeso.

Napaisip ko kung isa pa sa kaya kong gamitin si Victor kay Barbara. Baka nga, mukhang nagkakamabutian naman sila.

"Victor. Mukhang ang bait bait ng pakikitungo mo sakaniya. Magaling kang lalaki mabait at may puso." Nilapitan ko siya at hinawakan ang butones niya.

Tumingin ako sa iniwan kong si Barbara at nakita kong inaayos niya ang sarili niya, "Kelan ba kasi ang photoshot?" Iritado niyang tanong.

"Tatawagan ka nalang ni Travon, maiwan ko muna kayo at may gagawin lang ako sa labas.

Pinihit ko ang doorknob tsaka dali-daling nagtungo sa cr at inilock ito.

"Unti-untihin mo lang, Hannah." Bulong ko sa sarili ko habang tinititigan ang repeksyon sa salamin.

Her Revenge | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon