Chapter 10: The Queen

578 47 9
                                    

Chapter 10: The Queen

Natapos ang aking kaarawan. Natapos ito ng may hatid na ngiti sa aking labi. Ganito pala ang lahat.

Aking isinalang katawan ko sa kama at nilapatan ng kumot tsaka pumikit.

"Ang ingay mo, hindi kaba makasagot ng sa isip lang?" Sambit ni Mommy sa'kin. Ako ngayo'y nasa harapan ng napakalaking salamin na napaligiran ng kung ano-anong pampaganda. Nilapatan ko ni Mommy ng lipstick, mascarra, foundating at may tawag pa nga do'n sa pag ayos sa mukha, contour daw.

"Mommy, ganito talaga isasabak mo ako ng walang kalaman-laman ang utak ko." Sambit ko tsaka ako humarap sakan'ya. "Our dreams are now reality." Dugtong ko.

"Goodluck." Nginitian ako at nagsimula ng lumabas sa kwarto.

Nakasuot ako ng puting damit na hanggang tuhod lang. Para bang napakacasual kong tignan.

Nakita ko nang matapos akong makalabas ang babaeng si Barbara. "Hoy! Baka ikaw na naman manalo!" Sigaw niya sa'kin. Hindi ko siya binalingan ng pansin at nagpatuloy papunta sa stage.

"Hindi kana namamansin ngayon," hinila niya ang braso ko at iniharap sakaniya. "Ano bang gusto mong patunayan? Na mas magaling ka sa'kin? Kilala kana kasi kaya gan'yan ka kung umasta." Dagdag pa nito.

"So?" Tamlay kong sambit. Hindi ko ba alam kung may galit ito sa akin o anong nakain bat ako ang natira nito? Galit ba siya sa'kin? "Kilala kita. Ikaw 'yong palaging sumasama sa beauty contest na minsan nakakatungali ko rin." Singhal ko.

Hindi ko na narinig pa ang susunod pa niyang sasabihin dahil nagpumiglas akong umalis ng buong pwersa sa pagkahawak niya sa aking braso. Desperada lang manalo kaya nagkakaganon.

Naririnig ko na hiyawan sa labas ang nagsisigawang fans na kung sino ang kanilang mga iniidolo. Dagdang confidence sa kanilang sinusuportahan.

"Hannah! Hannah! Hannah!"
"Galingan mo! Whoaa!"

Rinig na rinig ko ang nagsisigawang bakla at mga kababaihan na nagmumula sa harapan.

"May I call on the candidate wearing there casual wear." Anunsiyo ng host.

Ang gaganda ng aking makalalaban, mga dilag na nagseseksihan na paniguradong pasok sa banga ang kanilang mga kasagutan.

Lumabas na ako mula sa kurtinang aking nagsilbing taguan habang naglalakad ang mga kasamahan kong kandidata sa harap at nagpapakilala. Ang kanilang hiyawang napakalakas ang nag-udyok sa'kin upang galingan pa sa susunod na pangyayari.

Marami ang nalagas mula sa pagpapakilala na ngayon ay kakaunti nalang, ngunit kasama parin ako sa mga nabanggit.

Nagsipalakpakan ang mga fans sa kanikanilang idolo.

"Hannah! Ikaw ang mananalo!"
"Hannah! Whooooa!"

Patalasan na nang isip at isa isa sa top 5 ang dapat sasagot maging ako ay kasali rin.

Si Barbara nga pala ay sasagot na. Magaling din naman pala to, e. Hindi lang napapalad manalo bilang isang reyna o kaya prinsesa.

Ako na ang sasagot.

"What is the greatest changes that you've notice since the new administration is now leading the country?"

"The things that i've notice is the war on drugs project. The druglords are been killed, no more maniacs and no more people whose taking it. But the greatest thing is they now empeached the not so rulers in this country, I thank you!"

"The real queen is now to be crowned, please step forward Hannah Nahrain Hidalgo!"

Narinig ko ang palakpakan ng mga fans at tao.

Namulat na ako at alam ko na kung bakit galit si Barbara sa'kin.

Her Revenge | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon