Chapter 15: Tyron's Farewell Party

478 38 13
                                    

Chapter 15: Tyron's Farewell Party

Hannah's POV

Talagang pinaghandaan ko ang aking suot. Pero hindi ko sinasabing ginandahan ko ang aking pustura. Basta alam ko lang na pinaghandaan ko.

"Get down, Anak. Si Travon naghihintay na sa'yo." Sigaw na saad ni Mommy.

"Yes, Mommy. Pababa na rin ako. Pakisabi saglit lang." Pagsagot ko sa sinabi ni Mommy.

Binuksan ko na ang pinto at bumaba na sa hagdan.

"You look so gorgeous, Ate." Bati ni Bet.

"Nagbati naba kayo ni Fred, Bet?" Tanong ko sakaniya bago ko siya iwanan.

"Hmm?" Napa-isip siya kung sasagutin niya ba o hindi.

"Magbabati kayo o magbabati?" Banta kong saad.

Sinusubukan ko lang baka umpekto ito at totoo ngang sumunod ang kapatid ko.

"Edi magbabati." Sambit niya at nagwalk-out na.

"Mommy, I'm out. See you later." Pagpapaalam ko sakanila.

Nakita ko sa labas ng gate ang kotse ni Travon. Ang kotse na kung saan una ko siyang nakita matapos ang kaganapang nangyari sa akin.

"You look so Gorgeous." Sambit niya habang tinititigan ako. Ang titig na iyon. Ang titig na hindi ko makakalimutan.

"Thank you." Sambit ko. Inalalayan niya akong pumasok sa kaniyang sasakyan.

Habang kami ay nasa byahe nakita ko siyang nakatitig sa may salamin sa itaas. "Ano iyang itinititig mo diyan?"

Nagulat siya at sumagot, "Nagagandahan lang ako sa'yo. Maganda ka since our friendship starts."

Nginitian ko nalang siya at nginitian niya ako pabalik.

Bumaba ako sa kaniyang kotse at nakita ko ang mga kababaihan at mga kalalakihan na nagsisisayawan at nagsasaya sa kagitnaan ng tugtog galing sa malaking speaker.

Napapasayaw na rin ako sa indak ng musikang lumalabas. Nang bigla nalang akong hinila ng isang estrangherong lalaki.

"Hannah. Ang ganda mo ngayon." Sambit ng estranghero. Ako nama'y hindi malaman kung sino ito at ako ay naguguluhan. Parte ba siya ng nawala kong memorya?

"Despedida ko ngayon." Sambit niya. Ang kuya ni Travon. Ah I see. Nalaman ko na kung sino ito.

"Thank you for coming pretty lady." Sigaw niya dahil sobrang lakas ng kanta at nasa kalagitnaan na kami ng lugar kaya mas ginanahan na rin akong sumayaw sa indak ng kanta.

Nang mapatingin ako sa gawing harapan ay bumungad sakin ang mukha ni Tyron. "Hindi ka parin nakakasawang titigan, Hannah." Akma na niya akong lalapitan nang bigla akong lumigon sa boses na nagtatawag sakin.

"Pagbigyan mo na ako. Despidida ko 'to." Pagmamakaawa niya. Isang halik para sa kaniya? Hindi ko masikmura ang kaniyang kagustuhan. Hindi na makatao ang kaniyang nais.

"Hannah. Tara dito." Pangyayaya ni Travon sa'kin.

Pumunta ako sa gawi niya.

Bumaling ako sa gawi ni Tyron at sinabing, "Bye. Bukas na pala ang alis mo. Bon Voyage!"

Ngayon naman kaharap ko na si Travon. Hinding-hindi nagkakalayo ang mukha ni Travon sa mukha ni Tyron. Ang pagkahubog nito ay unti-unting tumatatak saking isipan.

"Mukhang nagandahan ka sa tugtugan at napasaya mo si Kuya." Sambit niya. Ayokong sabihing gusto niya akong halikan.

"Oo nga at iniwan ko na doon. Huli na niya ito kaya sagad-sagarin na niya." Wika ko.

"Kaya tayo rin ang magsasaya." Niyaya niya ako habang hawak hawak ang wine glass na may lamang wine.

Ang saya-saya namin ni Travon. Ang ngiti niya ang halakhak niya ay wala ng bukas.

"Ang saya ko kapag kasama kita, Hannah." Unti-unti niya itong sinumbat. Ako naman ay naiintindihan siya. Kaya ganon pala siya kaingat.

"I'm happy that you're happy." Bigkas ko.

Nagpatuloy na ang oras para magsaya kaming lahat na nandidito.

----

Thank you! Vote, Comments guys ❤.

Her Revenge | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon