Chapter 17: Plan

408 33 3
                                    

Chapter 17: Plan

Hannah's POV

Ilang araw din ng matapos kong kausapin si Barbara.

Nakaramdam ako ng lungkot.

Pinindot ko ang contact ni Travon. Matagal itong nagri-ring at naramdaman kong sinagot niya ang tawag ko.

"Busy kaba?" Tanong ko. Mukhang naistorbo ko siya at narinig ko ang pagod niyang boses.

Sumagot naman siya na hindi, dahil kagigising niya lang. Akala ko kasi nasa trabaho siya.

"Bakit kaba napatawag? Is there anything wrong?" Maingat niyang tanong.

"Balak ko sanang makausap ka kahit sandali lang. Kahit dito lang sa cellphone." Sambit ko.

"Spill it out."

"Alam mo bang si Barbara ay ang kinuha ko para mag-endorse ng panibagong pabango na ilalabas ng kompanya?" Paninimula ko.

"So what was the plan?" Tanong niya. Siyempre alam naman niya na si Barbara ang dahilan kung bakit ako ganito kung umakto.

"I plan something sweet but damagable." I said. Naalala ko kung paano niya ako tanggalan ng memorya. Kaya nalilito ako sa tuwing kakausapin ako ng tao kahit hindi ako kilala.

"That's good. I think you can execute it well. Just like she did." He said. Ang tamlay ng boses niya dahil bagong gising.

"Thank you for listening." Pagpapasalamat ko sakaniya.

Nagpaalam ako na may gagawin na. Hindi talaga mawala sa isipan ko kung paano ko gagawin ang planong naiisip ko.

Paano?

Nang wala akong magawa pinilit ko rin talagang pumunta sa kompanya.

Tinawagan ko si Victor na kausapin si Barbara para mapag-meetingan ang gagawing photoshoot.

"Pero Ma'am, baka hindi po siya pwede ngayon?" Sambit niya.

"Bakit hindi? Nakakapag-usap naba kayo?" Tanong ko sakaniya.

"Ganon na nga po." Sambit nito.

Kaya alam, kasi nag-uusap. Baka nagkakamabutihan na sila.

"Tutor kita, Victor. Pero mas maganda yung pagiging palakaibigan mo." Sambit ko.

Napakagandang ideya nito.

Nang makarating ako sa kompanya dali-dali akong nagtungo sa meeting area.

Pinihit ko ang doorknob ng pintuan. Nakita ko ang isa sa emplyedo ng kompanya ang kausap ngayon ni Victor mukhang may tinatawagan sa kabilang linya.

Ako naman ay nakatitig at nakita kong gumalaw na si Victor, "Ah, Ma'am maupo napo kayo." Sambit niya. Napagaan ng loob ko kay Victor.

"Kanina pa po namin tinatawagan si Barbara ngunit hindi siya sumasagot. Hintayin nalang po natin siya kung gugustuhin niyo po." Pagpahingi niya ng pasensya tsaka kinuha ang upuan at pinaupo ako.

Naiinip na ako. Kailan kaya darating ang babaeng iyon?

"Labas lang ako." Sambit ko at sumang-ayon naman si Victor.

Nang tatayo na ako narinig ko ang pagbukas ng pintuan at bumandera ang katawan ni Barbara samahan pa ng pumuputok-putok nitong labi na may pulang lipstick.

"Simulan na natin." Sambit ko.

Patuloy ang diskusyon namin sa magaganap na photoshoot ni Barbara at ang nais ko ay maging maganda ang kalalabasan nito. Para naman maging maganda ang relasyon naming dalawa.

"Pero, hindi dapat ganiyan. Gusto ko yung mas maganda ako." Sambit niya.

Ganiyan na ganiyan kung paano siya mainggit sa mga ikinukumpara sakaniya.

"Kaya dapat mas maganda ako." Ulit niya.

"Victor, maari mo bang pagsabihan ang kausap natin?" Sambit ko habang nginitian siya.

"Barbara. Tumahimik ka anak siya ng boss ko kaya wala kang karapatang paganahin yang kamalditahan mo." Pangaral ni Victor sakaniya.

"Okay." Tinitigan ni Barbara si Victor at hinawakan niya ito sakaniyang braso.

"Okay meeting ajourned." Saad ko.

Lumabas ako pagkalabas na pagkalabas ng mga kameeting ko.

Ako ang maghihiganti.

Her Revenge | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon