Chapter 11: Meet the Barbara

565 40 2
                                    

Pasensiya na sa matagal na update, wala kasing internet connection. Basta, keep on reading lang! ❤

Chapter 11: Meet The Barbara

Hannah's POV

Naramdaman ko sa aking pagising ang ilaw na nakatutok sa aking ulunan. Gising na pala ako.

I check the time, exactly 7 o'clock. Oras na para sa paglakbay ko sa labas ng aming kompanya.

Nakita ko si Victor na papalabas sa pintuan, nakita ko siyang may binabasa sa folder at hindi ko alam kung ano iyon.

"Hi Ma'am, lalabas po tayo ng kompanya upang alamin ang mga bagay na konektado sa kompanya." Aniya. Ako naman ay tumango at sumunod sakanya.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ng bigla itong magsalita, "May plano po kasi ang Daddy niyo na kumuha ng endorser nang bagong labas na pabango. Kukuha raw sila sa mga co-candidates na mga kasamahan mo sa mga beauty contest, isa na dito si Barinia Baragarde Compuz kilala mo raw ito at nakakatungali mo sa pagkamit ng korona." Mahabang pahayag ni Victor sa akin.

"Bakit mo sinasabi sa'kin ito?" Tanong ko sakaniya.

Hindi ko kasi alam kung bakit niya ito sinasabi, dahil ba 'to sa panaginip ko? Naalala ko siya sa panaginip ko. Ang mataray na babae na siyang balak pa akong saktan. At ang babaeng dahilan kung bakit di ako makaalala ng mga taong dati ay malapit sa akin.

"Para po maging handa kayo dahil kayo po ang kikilatis kung pasado ba siya bilang model o endorser."

Agad-agad naman akong nagulat at hindi agad makapagsalita. Dahil makikilala ko siya kung paano niya ako sirain-ang alaala ko.

"Baka nga mas kailangan natin ang katulad niya." Sumbat ko. Hindi ako makapaniwalang lalabas ito sa bibig ko.

"Maari na po natin silang kilatisin. Sa ibang parte po ng kompanya. Hindi po dito sa main." Aniya. Ako nama'y sumunod sakaniya at sumakay sa itim na kotse.

Nakakabinging katahimikan ang naganap samin ni Victor, nasa likudan niya ako at siya ang nagmistulang driver ko.

"Mam, kamusta po pala yung regalo ko sainyo? Okay lang po ba sorry po hindi ko pa kasi kayo kilala." Pagsasalita niya ng may lungkot sa kaniyang tono.

"Ang ganda nga, e." Nginitian ko siya at tinignan niya sa may salamin.

Ang regalo niya pala ay isang napakakulay na drawer, iyon bang maliit na drawer na parang lalagyanan ng mga hikaw at kung ano-ano pang bagay.

"Andito napo tayo!" Sambit niya.

Agad-agad naman na kaming bumaba at nakita ko ang establishimento kung saan kami ay narito ngayon.

Ayaw kong sabihin na hindi ko pa nakita baka tanungin ako kung bakit hindi pa, kaya dali-dali nalang akong pumasok at hinanap kung saan ba ang parte na iinterbyuhin ang lahat ng mga sasalang.

Ngunit nakita ko ang balingkinitang babae, ang mahaba nitong buhok na abot sa pwetan, ang suot niya na sakto lang sakaniya at umaayon.

Tumalikod ako at kinausap si Victor kung saan ba idadaos ang pag iinterview.

Habang naglalakad kami papunta roon ay nakita kong humarap bigla ang kaninang nakatalikod na babaeng aking nasilayan na may hawak ngayong kulay brown na folder.

"Hep hep hep." Pag-agaw niya ng atensyon. Ako naman ay napatingin sakaniya ng diretso at hindi nalang sana papansin.

"Hannah Hidalgo, naalala mo ba ako? Makikisali ka rin ba sa interview at hindi na naman magpapatalo." Pataray na sambit niya.

Ako naman ay aakmang aalis na at hindi na siya papansinin.

Humarap ako sakaniya.

"Magkita nalang tayo." Nginitian ko siya.

Her Revenge | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon