Chapter 1

30K 766 69
                                    

SAKAY ng magara niyang sasakyan si Asher Jade kasama ang mga kaibigan nito ng bigla itong huminto. Kunot noo naman ang mga kasama niya kung bakit ito biglang huminto.

"Hey! Bro, bakit ka huminto?" Taka nilang tanong. "Bibili lang ako ng pizza." Sagot naman nito.

"Para sa atin?" Nakangising tanong naman ng mga ito. "Tangina mo Moretti. Bumili ka, marami kang pera. At meron ka rin sasakyan, but niyo ako ginawang driver." Anitong tinawanan lang ng mga kaibigan niya.

"Bro, alam mo namang kuripot itong si Yuri. Kaya ayaw niyan gamitin ang sasakyan niya." Sagot naman sa kanya ni Thunder.

"Tangina mo rin, nagsalita ang hindi saksakan ng kuripot." Bwelta naman dito ni Yuri. Kaya naiiling na bumaba ng sasakyan si Asher Jade. Agad na itong bumili ng take-out sa nadaanan nilang fastfood chain.

At dahil wala siyang plano na ibili ang mga kasama niya ay bumaba rin ang mga ito at bumili rin ang mga ito ng para sa kanila.

"Bro, akala ko ba ay hate mo ang magschool campaign? Bakit ka ata napasugud ngayon para sumama sa campaign?" Tanong naman sa kanya ni Isaac.

"Nagtanong ka pa, Yildirim. Syempre nandoon si Ten-Ten. Papatay siya ng buhay kapag meron humawak sa bestfriend niya." Pang-aasar ng mga ito sa kanya. Sa halip na pakinggan ang mga ito ay dinidma na lang niya.

Sanay na kasi siya sa mga ito. Mga kaibigan na niya kasi ang mga ito mula ng siya ay tumungtong ng grade school. Kaya hanggang maghigh school sila ay hindi sila mapaghiwalay na magkakaibigan.

Mga ilang oras din ang naging byahe nila ng marating nila ang lugar kung saan sila magcampaign.

"Wew! Maraming chicks mga bro." Nakangising ani Yuri. "Tangina mo, Moretti. Wag kang maghasik dito ng lagim." Kunwari ay sita naman dito ni Thunder.

"Tangina mo rin, Montero. Sabihin mo yan sa akin kapag lumilipad na ang pagong." Sagot naman dito ni Yuri.

"Geez. Ang ingay niyo. Wag kayong tumunganga dito. Nasa likod ng sasakyan ang gagawin nating tent. Gawin niyo yun. Ginawa niyo na nga akong driver, pati ba naman yun hindi niyo pa kayang gawin." Pagalit kunong turan sa mga ito ni Asher Jade. Pigil naman ang tatlong wag matawa sa kanya.

Agad kinuha ni Asher Jade ang dala niyang back pack at box ng binili niyang pizza bago niya iniwan ang tatlo. Alam kasi nitong hindi pa kumakain si Christine. Alam niyang matigas ang ulo nito minsan. Sinasadya atang magpagutom.

"Hey! Do you see, Christine?" Tanong niya sa nakasalubong niya. "Ah! Oo, yung nasa ikatatlong tent sa gawing kanan." Turo naman nito sa kanya. Kaya agad niya itong pinuntahan.

Nang marating niya ang tent ay agad itong pumasok sa loob nitong kinagulat ng naratnan niya. Hindi na kasi siya nag-abala pang kumatok.

"A-anong ginagawa mo dito, Bakulaw?" Gulat na tanong sa kanya ni Christine. "Kumain ka na ba?" Tanong nito sa halip na sagutin ang tanong sa kanya ni Christine.

"Tinatanong kita. Kaya sagutin mo?" Naiinis namang ani Christine. "At tinatanong din kita." Giit rin nito.

"Grrrrr.....hindi pa. Alangan na papakin ko yang mga punong nakatayo dyan sa labas." Nagdudumilat nitong aniya.

"Tsk! Ilang beses ko bang sasabihin sayong wag kang magpapagutom. Tingnan mo kung anong oras na. At tingnan mo yang katawan mo. Ang payat-payat mo." Sermon nitong kinatulis ng nguso ni Christine.

"Hindi ako payat ah! Tama lang kaya ang katawan ko." Anito sabay pakita niya ng braso. "Geez. Here, kumain ka." Sabay bukas nito ng box nang pizza na saka lang napansin ni Christine.

The Beast Prince(COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu