Chapter 22

12.3K 506 47
                                    

GAYA ng sabi ni Asher Jade kay Christine ay pinuntahan nga nila ang puntod ng namayapang totoong magulang ng dalaga pagkauwi nila ng Maynila.

Maingat na inilapag ni Asher Jade ang dala nilang bulaklak sa magkatabing puntod. Si Christine naman ay agad itong nagtirik ng kandila.

"Ma, Pa, kumusta na po kayo. Pasensya na po kayo at ngayon lang po ulit ako nakabisita dito. Busy na po kasi si tito Calex na laging sumasama sa akin dito." Anito.

"Sana po ay masaya na kayo ngayon kung nasaan man po kayo ngayon. Miss ko na po kayo. At wag po kayo mag-alala dahil nagpapakabait naman po ako at nag-aaral ng mabuti." Pagkwekwento niya.

"Mama, Papa. Siya nga po pala, gusto kung makilala niyo si Asher Jade. Kababata ko po siya. Maliban po kay Daddy, tito Calex at Shawn ay siya po ang taong nandyan para sa akin." Nakangiti nitong aniya.

"Ehmm," bahagyang tumikim si Asher Jade na tumabi kay Christine. "Hello po. Ako nga po pala si Asher Jade Vergara. Nag-iisang anak po na lalaki ni Axel at Jamine Vergara." Pakilala nito. Parang nasa harapan lang niya ang kausap kung paano ito magpakilala sa mga ito.

"Nandito po ako dahil gusto ko lang pong ipaalam sa inyong mahal na mahal ko po ang anak niyo. After po naming makagraduate ng high school ay mag-aaral po kaming dalawa sa ibang bansa. Ayaw ko pong mangako sa inyo pero gagawin ko po ang makakaya ko para protektahan ang prinsesa niyo. Kaya wag po kayong mag-alala sa kanya dahil I'm always here for her. Sana po ay gabayan niyo kaming lagi para matupad po naming dalawa ang mga pangarap namin. At sana po ay bigyan niyo kami ng blessing. I really love your daughter ma'am, sir." Anito. Bigla naman sila napatingin sa paligid dahil tila niyakap silang dalawa ng hangin.

"Ma, Pa, thank you po." Nakangiting pasalamat sa mga ito ni Christine sabay sandal niya sa balikat ni Asher Jade. "Baby, do you think your mom and dad gave their blessing to us?" Maya ay tanong nito sa nobya.

"Oo, dahil alam naman nila at nakikita siguro kung gaano ka katotoo sa pagmamahal mo sa akin. Kaya thank you sa pagmamahal mo sa akin." Pasalamat nito sa nobyo na agad siyang hinalikan sa noo.

"Don't thank me baby. I'm doing this because I love you." Mabilis nitong aniya sa dalaga. Halos mag-isang oras din silang nanatili sa puntod ng magulang ni Christine ng magpaalam sila dito.

"Baby, saan mo gustong pumunta?" Tanong ng binata sa nobya ng makasakay sila sa dala nilang sasakyan. "Um. I don't know. Ikaw ang bahala kung saan mo gustong pumunta." Sagot nito.

"Hmmp. Okay. I have a idea. Sa bahay nila lolo at lola tayo pupunta." Tila excited na ani Asher Jade. "Oh! My God. Sa bahay ng lolo Aljhon mo?" Tanong nito sabay kagat niya ng hintuturo. Natawa naman dito ang binata.

"Relax baby. I'm sure matutuwa yun sila kapag nakita nila tayo doon." Nakangiti nitong aniya sabay hawak niya ng kamay ni Christine at hinalikan niya ito.

Agad ngang binaybay ni Asher Jade ang daan patungo sa bahay ng lolo at lola niya. Ng marating niya ito ay agad naman siyang pinagbuksan ng security guard sa mean gate.

"Baby, come on." Sabay lahad ni Asher Jade ng kamay pagkababa nito ng sasakyan. Kinakabahan namang inabot ni Christine ang kamay ni Asher Jade sabay baba nito ng sasakyan.

Magkahawak kamay silang pumasok sa malaking bahay. Agad naman nakita ng dalawa ang mag-asawang Aljhon at Weng. Kahit na may katandaan na ang mga ito ay makikita mong hindi parin kumukupas ang kakisigan ni Aljhon at ang ganda ni Weng ay naroon parin.

"Hey! Lo, La. Kumusta po?" Agad naman napalingon ang mag-asawa. "Apo." Nakangiting sambit ng lola ni Asher Jade.

"Kumusta, La?" Pag-uulit nito sabay halik sa lola niya. "Ayos lang apo at masayang makita kayo dito. Hija, maupo ka. Ikaw kumusta?" Nakangiti nitong turan kay Christine.

The Beast Prince(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon