Chapter 11

13.7K 612 113
                                    

AFTER ng pagtatapat ni Asher Jade ng feeling niya kay Christine ay mas lalo siyang naging protective sa dalaga. Dahil narin sa pagbibigay pahintulot nito sa kanya ni Christine na maari niya itong ipagdamot sa lahat.

"Nagawa niyo ba ang pinapagawa ko sa inyo?" Seryosong tanong ni Asher Jade sa mga tauhan nila. "Yes Boss." Sagot naman ng mga ito.

"Anong natuklasan niyo?" Tanong nito.

"Kaya bumalik ng Pilipinas si Miss Alvarez ay dahil pinauwi siya ng stepfather niya. Wala na kasing maipadala sa kanyang pera para sa pag-aaral niya doon mula ng maratay sa hospital ang nanay niya. Naubos narin kasi ng stepfather niya ang mga ari-ariang naipundar ng ina ni Miss Alvarez. Kaya siya lumipat dito ay dahil meron iniutos sa kanya ang stepfather niya. Hindi siya makahindi dahil nakataya ang buhay ng nanay niya. At hindi niya alam ay ginagamit lang siya ng stepfather niya sa sarili nitong enterest. Hindi alam ni Miss Alvarez na ang stepfather niya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay natutulog parin sa isang pagamutan ang nanay niya. Mukhang kakuntsaba nila ang naturang hospital para hindi gumaling ang ina ni Miss Alvarez." Mahabang paliwanag nito kay Asher Jade.

"Ano ang ipinapagawa niya kay Felicity?" Kunot noo nitong tanong. Ang tinutukoy nito ay ang stepfather ni Felicity. Napakamot naman ng ulo ang tauhan nila Asher Jade.

"Inutusan nilang pikutin ka boss," kakamot-kamot nitong sagot. "Dahil gustong magkapera ng stepfather niya at ng karelasyon nitong iba. Kaya ginagamit niya ang ina ni Felicity para mapaniwala nila si Miss Alvarez." Anito. Nalakumos naman ni Asher Jade ang kamay niya sa narinig.

"Dalhin niyo sa akin ang gagong yun. Ng maturuan ko ng leksyon. Para malaman niya kung sino ang gusto niyang banggain." Ma autoridad niyang utos sa mga ito. "Yes Boss." Mabilis namang pagtalima ng mga ito.

"Ako na ang bahalang umayos ng problema ni Miss Alvarez. Yung stepfather niya na lang ang trabahuin niyo. At gusto ko ng malinis na trabaho." Habilin niya sa mga itong agad naman sumunod sa kanya.

Matapus niyang makausap ang mga tauhan nila ay agad siyang sumakay sa kotse niya at pinaharurot niya ito. Sa opisina agad siya ng ninong Frank niya pumunta. Alam kasi niyang ito ang mabilis na makakatulong sa kanya.

Dahil kilala na siya ng lahat kung saan ang pag-aaring kumpanya ng ninong Frank niya ay tuloy-tuloy na lang siya sa opisina nito. At pagdating niya doon ay ang mukha ng mga pinsan niya at ibang anak ng mga ninong niya ang nasa loob ng ipisina nito.

"Hey! Lover boy. Anong ginagawa mo dito?" Mapanuksong ani Leone sa kanya. "Tangina niyo, bakit kayo nandito?" Taka niyang tanong sa mga ito.

"Meron lang kaming business transuction kay ninong Frank." Sagot naman ng pinsan niyang si Zeus.

"Ikaw, bakit nandito ka?" Tanong naman sa kanya ni Zach. "I have a business matter with ninong Frank." Sagot nito.

"What is it, kiddo?" Tanong sa kanya ng nakikinig lang na si Frank. "About Miss Felicity Alvarez, ninong." Sagot nito. Nagkatinginan naman ang mga kasama niyang nandoon.

"Anong meron sa kanya? At anong maitutulong ko sayo?" Taka rin na tanong ng ninong Frank niya.

"Ninong alam kung kaya niyong ilipat ang isang patient. Gamit ang kuneksyon niyo. Kaya gusto ko po sanang gawan niyo ng paraan para mailipat ng Guerrero Hospital ang mommy ni Felicity. Ginagamit kasi ng stepfather niya ang nanay ni Felicity na nakaratay ngayon sa hospital para magawa ni Felicity ang plano nito. Plano ng stepfather niyang ipapikot ako kay Felicity para magkapera ng malaki. At ang pera ay gagamitin lang nila ng karelasyon nito. Dahil wala naman itong plano para gumaling ang ina ni Felicity." Paliwanag nito.

"Okay. Don't worry ako na ang bahala." Mabilis na sagot ni Frank. "Shit! Napakawalang hiya pala ng stepfather ni Felicity. Kapag nalaman ito ni Mommy ay tiyak na babasagin niya two balls ng stepfather ni Felicity." Biglang ani Angelo na hindi makapaniwala sa narinig.

The Beast Prince(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon