Chapter 13

13.7K 612 100
                                    

DAHIL sa maagang pag-aksyon ni Asher Jade ay maaga nilang naagapan ang maaring mangyari. Kaya naman sa sumunod na mga araw ay kampanti na silang pumasok sa paaralan.

"Hi! Pwede ka bang makausap?" Tila nahihiyang ani Felicity kay Asher Jade habang nasa loob sila ng campus. "Sure." Sagot naman nito.

"Sige, doon muna ako. Baka private ang pag-uusapan niyo." Nakangiti namang ani Christine sa kanila. "No, it's okay. You can stay." Mabilis na pigil ni Felicity sa kanya.

"Gusto ko lang mag-sorry. Hindi ko naman yun gustong gawin ang plano ng step Dad ko. Pero napilitan lang akong tanggapin dahil kay Mommy." Emosyonal nitong aniya sa dalawa. Kaya mabilis itong inalo ni Christine.

"Hey! Wag muna isipin yun. Dahil naiintindihan ka namin. Wala naman kasing anak na hindi gagawin ang lahat para sa magulang niya." Anito kay Felicity sabay akbay niya dito at hinaplos-haplos niya ang likod nito.

"Thank you." Dahil walang tigil ang luha nito ay agad naman itong pinunasan ni Christine gamit ang dalawa niyang kamay. "Stop crying. Papangit ka niyan e. Sige ka." Pananakot niya dito. Natatawa naman itong tinuyo niya ang mga mata.

"Ganyan, masasayang ang ganda mo." Saad niya dito. "Basta kung may problema ka, wag kang maglilihim sa amin. Nandito lang kami para sayo. Magsabi ka lang sa amin." Dagdag pa nito.

"Okay. At isa pa sabi ni ninong at ninang ay sila na daw ang bahala sa pag-aaral ko. Kaya hihintayin ko na lang ang paggaling ni Mommy." Anito.

"Wag kang mag-alala dahil gagaling ang mommy mo." Sabat naman ni Asher Jade sa usapan nila.

"Ano meron dito?" Bigla naman silang napatingin sa nagsalita. "Nothing." Tanging sagot dito ni Asher Jade.

"M-may dumi ba ako sa mukha?" Takang tanong ni Felicity sa kaharap niya. "Wala." Tipid na sagot naman nito sa kanya.

"Eh! Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin?" Kunot ang noong tanong niya ulit dito. "Hindi naman ako nakatingin sayo." Sagot naman nito sa kanya.

"Kung hindi ka nakatingin sa akin. Eh! Saan ka nakatingin aber?" Sabay pamaywang dito ni Felicity. "Sa likod mo." Walang kangiti-ngiting anito kay Felicity na napalingon sa likod niya. Pero wala naman tao doon.

"Ako ba ay pinagluluko mo Kapre ka? Eh! Wala namang tao sa likod ko." Saad niya dito. "Alam kung walang tao dyan sa likod mo. At sa gwapo kung ito tatawagin mong kapre, duwende." Hindi paawat nitong ganti sa tinuran ni Felicity.

"Ganun. Eh! Mukha ka naman talagang kapre e. At sa ganda kung ito, tatawagin mong duwende." Taas kilay niya ditong aniya. "Mukha ka namang talagang duwende." Anitong kinaikot ng mata ni Felicity.

"Magandang duwende. Oh! I forget. Dyosa ng mga duwende. Eh! Ikaw, saang banda ng katawan mo ang kinagwapo mong kapre ka." Nagdudumilat nitong aniya.

"Dito banda." Sabay angat nito ng damit at ipinakita niya ang abs niya kay Felicity. Hindi naman ito nagpahalatang type niya ang abs ng binata. "Ang yabang. Ang galing magbuhat ng sariling upoan." Sabay pinasandalan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Not bad," anito sa isip. Dahil matikas ang katawan ng binata. "Pero mayabang nga lang." Sabat naman ng kabila niyang isip.

Natigil lang ang dalawa ng tumawa si Chrisrine. "Oh! My God. Bagay nga sayo. Engkanto na Kapre pa." Ani Christine na kinasimangot naman nito.

"Ten, dapat sa akin ka kumampi hindi sa duwende na yan." Anito kay Christine. "Duh! We are sisters kaya sa kanya ako kakampi, Moretti." Ang natatawang ani Christine na inakbayan naman ni Asher Jade.

"Bro, don't tell me na sa duwende ka rin na yan kakampi?" Tila makaawa nito kay Asher Jade. "Wala akong kakampihan sa inyo." Sagot nito. Maging si Thunder at Isaac ay hindi nakialam sa dalawa na kinakamot ni Yuri ng ulo.

The Beast Prince(COMPLETED)Where stories live. Discover now