Chapter 23

11.8K 507 25
                                    

DAHIL halos kalahati ng clan ay nasa bahay ng mag-asawang Aljhon at Weng ay naging masaya ang mag-asawang Vergara. Mula kasi ng magkaroon na ang mga anak at inaanak nila ng kani-kanilang mga pamilya ay naging madalang na pagbisita nila sa mag-asawa.

"Inaantok kana?" Pabulong na tanong ni Asher Jade kay Christine na panay hikab niya. Mabilis naman itong tumango. "Okay. Halika." Yakag niya dito.

"Saan?" Taka naman nitong tanong sa binata habang nagpapatianod dito. "Sa room kanina. Dito tayo matutulog." Sagot naman nito sa dalaga.

"Um. Okay lang na dito tayo matutulog?" Anito sa binata na agad naman siyang kinindatan. "Of course. See." Sabay bukas niya ng pintong nadaan nila.

"Good night." Ani Josh sa kanila. "Good night." Ganti naman dito ni Christine. Dahil mukhang lahat ng mga kasama nila pwera sa mga magulang nila ay natutulog na sa bahay ng lolo at lola ni Asher Jade. Kaya nakangiti na lang siyang umangkala sa braso ng nobyo.

Agad ngang bumalik sa kwarto ng daddy ni Asher Jade ang dalawa. At mukhang sinadya ng mga kasama nilang wag doon pumasok. Dahil iyon lang ang tanging kwarto na walang natutulog sa mga kasama nila.

"Baby, stay here. Just wait for me. Kung gusto mong gamitin ang banyo ay ito ang banyo. Pupuntahan ko lang si lola para sabihing natutulog na silang lahat." Paalam nito kay Christine ng marating nila ang dating silid ng kanyang ama. "Okay." Anito sabay tango. Kaya dinampian muna ito ni Asher Jade ng halik sa labi bago lumabas ng silid.

Agad ngang bumaba si Asher Jade at nilapitan niya ang lola Weng niya. "La, natutulog na po silang lahat sa mga room sa taas." Anito. Agad naman nakuha ng lola niya kung sino ang tinutukoy nito.

"Sige, ikaw matulog kana rin. Ako na lang ang magsasabi sa kanila." Anitong nakangiti kay Asher Jade. "Thanks, La. Good night." Sabay halik niya sa noo ng lola niya. Isang ngiti lang ang isinagot naman ng lola niya sa kanya.

Matapus niyang kausapin ag lola niya ay muli siyang bumalik sa kabahayan. Agad siyang bumalik kung nasaan naghihintay ang nobya. Pagbukas niya ng pinto ay kalalabas naman ni Christine mula sa banyo. Kaya siya naman ang pumasok ulit sa loob ng banyo.

"Hey! Anong ginagawa mo?" Tanong agad ni Asher Jade kay Christine pagkalabas nito ng banyo. Mukhang naligo ito dahil basa ang buhok nito. "I found this one. Picture ng mommy at daddy mo." Sabay pakita niya sa nobyo.

"First picture ata ito ni Mom and Dad when they meet in Tagaytay." Anito. Binata pa ang daddy niya sa larawan. "You look like your dad when his young." Ang nakangiti nitong aniya.

"Um. Yeah! Sabi nga ni Mommy kapag nanenermon na mana daw ako kay Dad. Praning at siraulo." Kakamot-kamot nitong aniya. "And my Dad is a playboy too." Saad pa nito.

"When my Dad is in my age, sakit na daw siya sa ulo ni lola. Kaliwat kanan ang fling girlfriend niya." Pagkwekwento nito sabay sampa niya sa kama at tumabi kay Christine. "And your like your dad too, you have a fling girlfriend before." Sabat dito ng dalaga.

"Nha. Hindi ko sila fling girlfriend baby. Kadate ko lang naman sila. Ganun lang." Katweran nito. "Whatever, mister." Naiiling nitong aniya.

"Hmmmp...magkwento ka pa about your mom and dad." Anito sa nobyo sabay yakap niya dito. "Akala ko ba inaantok ka." Natatawa nitong tanong sabay pisil niya ng mahina sa ilong ni Christine.

"Nawala ang antok ko e. Sige na, magkwento kana." Napailing naman si Asher Jade sabay lagay niya ng isang kamay sa ulo niya habang nakaunan sa isa niyang braso ang dalaga.

"Um. Unang nagkakilala sina Mom and Dad sa Tagaytay. Doon din nila ako ginawa. At doon din sila nagkahiwalay." Nacurious naman si Christine sa tinuran ng nobyo.

The Beast Prince(COMPLETED)Where stories live. Discover now