Chapter 7

16.1K 600 75
                                    

DUMAAN ang araw na hindi parin maintindihan ni Christine kung sino nga ba talaga ang liligawan ni Asher Jade. Dahil lagi naman siya ang kasama nito. Kahit saan ito magpunta ay sinasama siya nito. Minsan ay nakipagpalit ito ng cellphone sa kanya. Naniwala kasi talaga itong meron siyang nakachat na Italian kahit wala naman.

"Bago ang unit ng cellphone mo Ten?" Tanong ng kaklse ni Christine ng makita nito ang hawak niyang cellphone. "Ah! Hindi. Kay Asher Jade ito. Kinuha niya ang cellphone ko." Sagot nito.

"Wow! Alam mo bes, maswerte ka dyan kay Asher Jade. Kasi bihira na lang ang lalaki ngayon na ipapahawak niya ng cellphone niya sa babae." Anang isa naman sa mga kaklase niya.

"Tama bes, ang lalaking loyal na lang ang magpapahawak ng cellphone niya sa bestfriend niya o girlfriend niya sa ngayon. Dahil kadalasan ngayon ay maraming kalandian sa cellphone ang isang lalaki." Segunda naman ng isa.

"Ewan ko sa inyo, kung ano-ano ang naiisip niyo. Tara na nga at baka nagugutom lang kayo." Yakag niya sa mga ito. Papunta kasi sila sa canteen.

"Anong meron mga bes?" Takang tanong ng mga kasama niya. "I don't know?" Kibit balikat nito.

"Hey! What is going on?" Tanong nito kina Alesha na hindi maipinta ang mukha. "Yung sinabi ko sayo ate Ten. She is here." Sagot naman ni Ara.

Maya't maya ay nakita nga nila kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga ito. "Lamang lang siya sa aking ng isang paligo." Anang kaklase ni Christine na kinatawa nila.

"Mas malaki ang boobs ko sa kanya." Sabat naman ng isa na ipinagmalaki talaga nito ang pinagpala nitong dibdib. Ng magawi ang tingin nito sa gawi nila ay halos umarko ang kilay ng mga kasama ni Christine. Gusto sana niyang tumawa pero nagpigil na lang siya.

"Baby."

Ang lahat naman ay napalingon ng marinig nila ang nagsalita. Tila dumaan ang isang anghel dahil natahimik ang mga ito.

"Nababaliw ka ba?" Mahinang ani Christine kay Asher Jade, sabay kurot niya ng mahina sa tagiliran nito ng makalapit ito sa kanya. Tila wala naman itong narinig.

"Let's go." Anito sabay akbay niya kay Christine na kunot na kunot ang noo niyang nakatingin sa mukha ni Asher Jade na agad siyang kinindatan. Kaya agad niya itong tinampal sa dibdib ng mahina.

"Saan na naman tayo pupunta?" Tanong nito. "Basta malalaman mo." Tangi nitong sagot.

"Pero nagugutom na ako e." Nakapuot nitong aniya. Kaya agad siyang inakay ni Asher Jade upang ibili ng makakain niya.

"H-hindi ba ako nagkakamali ng narinig? B-baby daw." Si Lauren na tila hindi pa nahihimasmasan. Mas sanay kasi silang sampo-sampo ang tawag ni Asher Jade kay Christine.

"Akala ko ay ako lang ang nakarinig." Segunda naman ni Zanna. "Yeah! Me too." Sabat rin ni Janella.

Matapus maibili ni Asher Jade si Christine ng makakain nito ay dala-dala niya ang tray na inakay niya ito paupo sa bakanting mesa na nakita niya.

"Ano ba yan. Lahat na lang sila ay nakatingin sa atin." Halos magkandatulis-tulis na ang nguso niya bago niya sinimulang kainin ang binili sa kanya ni Asher Jade. "Gusto mo?" Sabay umang nito ng kutsara sa bibig ni Asher Jade. Agad naman niya itong tinanggap.

Matapus kumain ni Christine ay agad itong inalalayan ni Asher Jade tumayo bago niya ito inakbayan.

"Saan ba kasi tayo, pupunta?" Pangungulit niya dito. "Later. Malalaman mo rin." Tangi nitong sagot sa kanya.

"Fine. Siya nga pala bakit hindi mo pinansin yung kababata mo daw. Nandoon siya." Sabay nguso nito kung saan sila galing. Agad naman hinawakan ni Asher Jade ang ulo niya. "I'm not interested with her." Sagot nito.

The Beast Prince(COMPLETED)Where stories live. Discover now