Chapter 30

25.1K 846 219
                                    

LUMIPAS ang mga araw. At sa mga araw na dumaan ay sinulit ng mga kaibigan nila Asher Jade at Christine na makasama sila. Dahil nga magkakahiwalay na ang mga ito ng papasukang paaralan. Hindi na kasi nagbago pa ang isip ni Asher Jade. Tuloy na tuloy ang pag-aaral nila ng nobya sa Oxford. Kaya bago sila lumipad patungong ibang bansa ay nagkaroon muna sila ng malaking okasyon kasama ang mga malalapit na kaibigan ng mga pamilya nila.

"Bro, tuloy na tuloy na talaga." Si Isaac na tila nalungkot at mahihiwalay na sa kanila si Asher Jade. "Langya kayo oh! Mag-aaral lang kami doon ni Ten. Hindi kami titira doon at isa pa araw-araw niyo rin naman kami makakausap through phone call." Saad niya sa mga ito.

"Mga bro, hayaan niyo nang mabawasan tayo ng isang gwapo pansamantala. Para naman maiba." Pabirong ani Kai sa kanila. "Hayaan muna natin itong isa dahil nagseseryoso na siya sa buhay. Pagdating ng araw wag na kayo magtataka kung may tatawag na sa atin ng tito, ninong." Sabat naman ni Dalton na kinatawa nila.

"Iba talaga ang tama ng pag-ibig. Kaya ayaw kung mainlove." Ang iiling-iling na ani Kai. "Good for you." Sagot sa kanya ni James Leone na kinakamot nito ng ulo. Kaya tawanan ulit ang magkakaibigan.

"Mahirap kung ikaw ang mainlove Monte Silva. Dahil sinasabi ko sayo. Ngayon pa lang ay basted kana sa liligawan mo." Saad naman sa kanya ni Asher Jade na kinasimangot ng isa. "Langya ka e. Pinsan mo ako dito tapos hindi mo papalakasin ang loob ko. Makikita mo kapag ako ang nainlove ay bubulabugin kita doon sa London. Dahil pupuntahan kita doon." Ani Kai na kinailing lang ni Asher Jade.

"Kapag ikaw ang nailove bro, kakausapin namin ang tatay ng girl na pahirapan ka niya. At kapag hindi ka sumunod sa ipapagawa niya sayo ay habulin ka niya ng itak." Segunda naman ni Zeus na muntik ng ikalaglag ni Kai sa kinauupoan niya.

"Pinsan ko ba kayo. Kasi kayo pa itong nanlalaglag sa akin e." Hinampo nito. "Bakit inlove kana ba?" Tanong naman sa kanya ni Blaze.

"Hindi." Mabilis nitong sagot. "Bakit mukhang napipilitan ka lang humindi?" Tanong naman sa kanya ni Reid. Agad namang ininom ni Kai ang laman ng hawak niyang baso dahil nakikita niyang mukhang pagkakaisahan siyang gisain ng mga ito.

"Inlove na yan. Ayaw lang umamin." Aniya naman sa kanila ni Sylvan. "That's right. Basta playboy ay hinding-hindi yan magtatapat. Kaya wag kayong magtaka kung isang araw ay may humahabol sa kanyang nabuntis niya." Si Josh na kinalaglag ng balikat ni Kai. Tama nga siya pagkakaisahan siya ng mga ito.

"Bro, kanino ka inlove?" Tanong dito ni Asher Jade sabay akbay niya kay Kai. "Hindi ako inlove." Giit nito. Pero malakas ang kutob nilang nagsisinungaling lang ito.

"Bro, bantayan mo ang kapatid mo. Baka biglang itanan ni Monte Silva." Ani Angelo kay Leone na kinaasim ng mukha ni Kai. "Subukan niyang gawin yun bro, babasagin ko ang two balls niya." Ani James Leone.

Halos mangamatis ang mukha ni Kai dahil sa pinagtulungan siya ng mga ito. "Langya talaga kayo. At kapag kayo ang nainlove makikita niyo. Isasabutahe ko kayo." Pananakot niya sa mga ito. At alam ng mga itong gagawin ito ni Kai kaya tinigilan siya ng mga itong kinangisi nito.

Natatawa na lang sa mga ito si Asher Jade. Mamimiss niya ang ganitog banding sa mga kaibigan niya kapag nasa London na sila ng nobya. Pero taon-taon ay uuwi rin naman sila ng Pilipinas kaya makakasama parin nila ang mga ito.

"Hey! Bro, ayos ka lang?" Untag ni Asher Jade kay Yuri na tila malalim ang iniisip nito. "Huh!" Tila nagulat ito ng tapikin niya ang balikat ni Yuri.

"What happened?" Curious na tanong dito ni Asher Jade. Napabuntong hininga naman ito. "Nothing bro, may naiisip lang ako." Sagot nito.

"Bro, if you need my help. I'm always here. Wag kang mag-atubiling tawagan ako. Magkaibigan tayo mula bata kaya alam mong hindi kita hihindian kapag kailangan mo ang tulong ko." Saad dito ni Asher Jade.

The Beast Prince(COMPLETED)Where stories live. Discover now