Chapter 16

13.1K 556 73
                                    

KINABUKASAN ng pumasok sa paaralan si Asher Jade ay dinaanan muna nito ang girlfriend gaya ng nakasanayan niyang sinasabay itong pumasok.

"Good morning." Bati agad sa kanya ni Christine. Agad naman niya itong dinampian ng halik sa labi pagkaupo lang nito sa loob ng sasakyan. "Morning too, baby. And here. Flower for my beautiful girlfriend." Sagot nito bago niya pinausad ang sasakyan.

"Thank you." Nakangiti nitong aniya sabay samyo niya ng bulaklak. "Galit pa ba si tita?" Maya ay tanong nito sa binata.

"Hindi na baby, nagpaliwanag na ako sa kanya." Anito sabay abot niya ng isang kamay ni Christine. "Ang mommy mo galit parin ba?" Balik tanong naman nito sa nobya.

"Hindi naman daw siya galit. Nangangaral lang. Wag daw kasi natin madaliin ang lahat dahil bata pa tayo. At sabi naman ni Dad ay malaki naman daw ang tiwala niya sayo." Paliwanag nitong kinangiti ni Asher Jade.

"Hindi natin sila bibiguin. Mag-aaral tayo ng mabuti at magtatapus tayo ng pag-aaral natin. Magkahawak kamay natin tutuparin ang mga pangarap natin dalawa." Mabilis naman tumango si Christine bilang sagot.

"I love you so much." Malambing nitong aniya sa nobya. "I love you too." Malambing rin nitong sagot sabay sandal niya sa balikat ni Asher Jade.

Pagdating nila ng kanilang paaralan ay agad silang sinalubong ng kanilang mga kaibigan.

"Anong meron?" Takang tanong ni Asher Jade sa mga ito. "Meron atang bwesitang taga ibang school na pupunta ngayon dito sa school natin." Sagot ni Felicity.

"Bakit naman naging mga bwesita, Duwende?" Kunot ang noong tanong ni Yuri dito. "Wala. Narinig ko lang na usapan ng mga studyante na mga patay na patay sa inyo ang mga babaeng bibisita dito. Dahilan lang nila ang school activity. Dahil ang totoo ay gusto nilang maglandi dito." Mataray nitong aniya.

"At syempre gusto niyo rin naman magpalandi. Dahil feeling niyo nakakadagdag ng kagwapuhan ang maraming naglalandi sa inyo." Dagdag pa nitong sinang ayunan ni Christine.

"Di wag mo akong ipalandi sa kanila ng wala kang masabi." Ani Yuri sabay kindat nito kay Felicity. "Tigilan mo ako, Kapre." Tila umasim ang mukha nito sa tinuran sa kanya ni Yuri.

"So, sila ulit." Ani Isaac. Napasunod naman sa kanya ang mga ito kung saan siya nakatingin. "Oh! God save me today." Dalangin agad ni Isaac.

"Hi! Thunder." Bati ng babaeng nauna sa mga ito kay Thunder. Pero hindi nito binago ang kanyang aura. Tila lalapa ito ng taong buhay. Walang kakulay-kulay ang mukha nito. Kaya naman tila nailang ang babae at natigil sa paglapit nito.

"Hello! Moretti. How are you?" Malambing namang tanong ng isang babae kay Yuri. Ginaya naman ni Felicity ang tinuran nito sa isip. "Geez. Mas maganda ako sayo. I know kasing kapal ng mukha mo yang makeup mo." Anito sa isip sabay taas niya ng kilay.

"We are good." Sagot naman ni Yuri sabay akbay niya kay Felicity. "Your fling girlfriend?" Tila mataray na tanong ng babae.

"NO. Bakit yun ba ang sa tingin mo?" Mapait na pagkakangiti ang ibinigay dito ni Felicity. "Well, ganun kasi ang alam ko about Mr. Moretti." Pagkasabi nito ay nagpacute ito kay Yuri na kinainis ni Felicity.

"At ikaw sa tingin mo ang seseryusohin niya, ganun ba?" Sarkrastikong tanong dito ni Felicity. "Before assuming the things that not belong to you. Just try to wake up first in your dream. Because day dreaming is not good for the health. Dahil never luluhod sa harapan mo ang anak ng isang hari para sambahin ka. Alam mo kung bakit? Dahil wala ka naman sa fairy tale na nababasa mo o sa mga napapanood mong the prince fall in love with the ugly duckling." Dagdag pa nitong naiirita sa mukha ng mga bagong dating.

The Beast Prince(COMPLETED)Where stories live. Discover now