Chapter 24

12.3K 495 41
                                    

PUNO ng katanungan ang isip ni Christine kung saan na naman ba siya dadalhin ni Asher Jade. Bigla na lang siyang hinila nito at pinasakay sa sasakyan nito. Ng tanungin niya ito ay wala siyang nakuhang matinong sagot mula dito.

"A-anong gagawin natin dito?" Tanong na naman nito ng ihinto ni Asher Jade ang sasakyan. "Malalaman mo, come on." Sabay lahad nito ng kamay. Kaya walang nagawa si Christine kundi ang magpatianod dito.

"Hey! Bro, bakit ang tagal mo?" Si Reid ang agad na sumalubong sa kanila. "Dinaanan ko pa kasi si Christine." Sagot nito agad.

"Alam na this." Ang natatawang si Yuri. "Langya talaga kayo. Nasaan ang mga dala natin?" Pag-iiba nito ng usapan.

"Nasa loob na bro, ikaw na lang ang hinihintay. I mean kayo ni Ten-Ten." Pilyong sagot ni Kai. Napailing na lang si Asher Jade. Dahil maging ito ay sumama pala ito. Wala naman siguro itong mapagtripan kaya kasama ng barkada.

Si Christine naman ay naguguluhan talaga ito sa magkakaibigan kung ano ang ginagawa ng mga ito at kung ano ang usapan ng mga ito.

"Shawn." Tawag nito sa kapatid. Maging ito ay nandoon din pala. "Hey! Ate." Nakangiti lang nitong aniya.

Agad na ipinulupot ni Asher Jade ang isa niyang kamay sa baywang ni Christine bago niya ito inakay. Ng makapasok sila sa isang compound ay biglang namangha sa nakita si Christine. Para kasi itong park sa iba't ibang kulay ng mga bulaklak na naroon.

"Magandang araw po, Mrs. Aguilar." Bati nila sa babaeng nakasalubong nila. "Magandang araw rin sa inyo mga hijo. Kumusta kayong lahat?" Nakamgiti nitong aniya.

"We are all good Mrs. Aguilar. And of course I'm still handsome." Pilyo namang ani Kai na agad binatukan ni Zeus. "Leander Kai Monte Silva, sumama ka lang ba dito para magbuhat ng sarili mong upoan. Kung ipakain kaya kita sa pating." Ani Zeus sa kanya na nginisihan lang ni Kai.

"Geez. Tumahimik nga kayong dalawa. Baka matakot sa inyo ang mga bata sa bangayan niyo." Ani Dalton Zed sa dalawa.

Agad na tumuloy ang mga ito sa looban ng compound. At doon bumungad sa paningin ni Christine ang mga batang tila hinihintay talaga silang lahat.

"Hello everybody. Nandito ang mga gwapo niyong mga kuya para bigyan kayo ng surprise gift." Anunsyo agad sa mga ito ni Kai.

"Baliw talaga ang isang ito." Naisatinig ni Asher Jade.

"Kuya AJ." Tawag ng isang bata kay Asher Jade. "Hey! Kiddo. How are you?" Tanong dito ni Asher Jade at agad siyang pumantay dito.

"Ayos lang po. Pero hindi parin po ako magaling." Malungkot nitong sagot. "Hey! Wag kang malungkot. Dahil alam ko gagaling ka pa at meron akong pasalubong sayo. At meron din akong ipapakilala sayo." Ani Asher Jade. Agad naman itong napangiting tila excited sa dala ng binata para sa kanya.

Ang mga kasama nila ay kanya-kanya ang mga ito ng pagbigay nang regalo sa mga batang nandoon. Makikita mo sa mukha ng mga ito ang kasiyahan sa regalong natanggap nila.

"Ito ang gift ko sayo." Sabay abot dito ni Asher Jade ng isang brown envelope. "At gusto kung makilala mo ang ate Christine mo. My girlfriend." Agad naman pumantay dito si Christine na nakangiti.

"Hello. Anong pangalan mo?" Tanong dito ni Christine na matamang pinakatitigan ng bata hanggang sa unti-unti ay sumilay ang mga ngiti sa labi nito. "Kenzo po ate Christine." Bibo namang sagot ng bata.

"Ang foundation na ito ay pag-aari ni ninong Elijah. Walang nakakaalam dito maliban sa amin. Tuwing sumasapit ang buwan na 'to ay pumupunta kami dito para bigyan sila ng regalo." Paliwanag ni Asher Jade kay Chrisrine. Napatango naman ito. Sa katunayan ay dapat nagpapahinga ang mga ito dahil katatapus lang ng basketball league na sinalihan nila. At gaya ng inaasahan nila ay ang team nila ang panalo sa laro. Pero ito sila ngayon pinapasaya ang mga batang naroon.

The Beast Prince(COMPLETED)Where stories live. Discover now