Chapter 10

15.4K 605 89
                                    

Note:Wag lang kayong magpagulong-gulong ha....enjoy reading.
.
.
.
KINAKABAHAN si Asher Jade na hirap niya ang tito Andrie niya. First time niyang gagawin ang bagay na sadya kaya panay hinga niya ng malalim.

"Goodluck bro." Ang nakangising ani Shawn sa kanya. Napakamot naman siya ng ulo. "Nasa opisina niya si Dad." Dagdag pa nito. Kaya huminga na naman siya ng malalim bago umakyat para puntahan ang opisina ng tito Andrie niya sa loob ng bahay nila.

"B-bakulaw." Halos magkagulatan pa sila ni Christine ng makaayat siya sa ikalawang palapag ng bahay ng mga Dela Rosa. "Hey! Kakausapin ko lang ang daddy mo." Paliwanag nito agad dito.

"Oh! Bakit?" Nagtataka naman ito kung bakit ito makikipag-usap sa daddy niya. Sa halip na sagotin ito ni Asher Jade ay isang kindat lang ang tinugon niya dito. Nahihiwagaan naman si Christine kung ano ang pag-uusapan ng mga ito.

Bahagyang kinatok ni Asher Jade ang pinto bago niya ito itinulak. "Pwede pumasok tito?" Anitong nakasungaw ang ulo mula sa labas ng pinto. "Sure. Come in kiddo." Nakangiti namang pagbibigay pahintulot dito ni Andrie. "Have a sit." Agad naman siyang naupo sa upoang nasa harap ng mesa ng ginoo.

"Thanks tito." Ang mga kamay niya ay pinagpapawisan na sa nerbyos. Pero hindi siya nagpahalata sa kaharap.

"Um. So, ano ang maipaglilingkod ko sayo?" Tanong ng kaharap niyang napakaseryoso ng mukha. "Nandito po ako tito para po makausap kayo. Lalaki sa lalaki." Anitong nakatingin ng tuwid sa kaharap.

"Okay. Tungkol saan?" Agad na naupo ng tuwid si Andrie at pinakatitigan  nito si Asher Jade. "Gusto ko pong magpaalam sa inyo na ligawan si Christine. I know hindi pa kami tapus ng pag-aaral. Pero, gusto ko po siyang ligawan. At kapag binigyan niyo ang pahintulot ay I'll do my best just for her." Kabado nitong aniya.

"Sabi mo nga hindi pa kayo nakapagtapus ng pag-aaral. Paano ako makaksiguro na hindi niyo pababayaan ang pag-aaral?" Tanong sa kanya nito. "Hindi po ako mangangako sa inyo tito. Pero, trust me hindi po masisira ang pag-aaral namin. Mag-aaral pa kami ng Oxford or Harvard. Kahit saan niyo po gusto. At kung hindi niyo po ako bibigyan ng chance ay susundan at susundan ko parin si Christine kahit saan niyo po siya ipadala makasama ko lang po siya." Sa naging sagot nito ay lihim na napangiti si Andrie.

"Okay. I trust you kiddo. Siguraduhin mo lang na pag-aaral ang uunahin niyo. Ayaw kung mapaaga ang paglaki ng tiyan ng anak ko." Babala dito ni Andrie na kinangiti ni Asher Jade. "Thank you, tito. Makakaasa po kayo." Masaya nitong aniya.

"Go, take here out kung gusto mo." Utos niya dito. Mabilis naman itong tumango sabay tayo niya. Nakipagkamay muna ito sa tito Andrie niya bago siya lumabas.

Nang madaanan niya ang kwarto ni Christine ay bahagya niya itong kinatok. Agad naman iyon bumukas. Kaya agad siyang pumasok dito. Pagkapasok niya ay agad niyang niyakap ng mahigpit ang naguguluhang si Christine.

"A-anong meron?" Nagtataka nitong tanong habang yakap-yakap siya ng binata. "Wala masaya lang ako. By the way be ready, susunduin kita dito ng mga 7:00 pm." Anitong kinakunot ng noo ni Christine.

"Saan tayo pupunta?" Puno ng pagtataka ito. Wala siyang maintindihan sa sinasabi ni Asher Jade sa kanya. "It's a date." Anito sabay halik niya sa pisngi ni Christine. Dahil sa ginawa ni Asher Jade ay napanganga ito. Tila tumigil ang pag-ikot ng oras dahil sa ginawa nito.

"Baby, I have to go. 7:00 pm." Sabay turo niya ng orasang pambisig bago ito lumabas ng kwarto ni Christine na hindi pa nahihimasmasan.

"Ate." Untag sa kanya ni Shiloh. "Ate anong nangyari sayo?" Sabay kalabit nito sa ate niya.

"Huh?" Tila gulat itong napatingin sa mukha ni Shiloh. "Sabi ko anong nangyari sayo. Bakit na-istatwa kana sa kinatatayuan mo?" Tanong sa kanya nito.

The Beast Prince(COMPLETED)Where stories live. Discover now