Chapter 21

13.8K 542 86
                                    

AFTER ng birthday party ni Asher Jade kinabukasan ay sa beach agad silang lahat na magkakaibigan pumunta. Libre naman ang pagstay nila sa Monte Silva Beach and Resort. Dahil paparty ito ng tito Kurt ni Asher Jade sa kanya.

"Hey! Hey! Girls, listen. Bawal kayong magsuot ng swim suit. Kapag meron akong nakitang nagsuot sa inyo ay ibabalik ko sa sasakyan at makakauwi sa Maynila ng wala sa oras." Babala sa mga ito ni Dalton.

"What? Kuya, ano sa tingin mo ginagawa sa beach. Magsusuot ng gown?" Nakasimangot na ani Zanna Akilah kay Dalton. "Hoy! Bubuwit, wag matigas ang ulo." Mabilis naman ditong sita ni Zeus.

"Um. Yeah! No swim suit. Dahil marami ang mga lalaking nandito oh!" Segunda naman ni Sylvan sa mga ito.

"You heard that Princess, no swim suit. Makinig ka kundi pipitikin ko ang ilong mo." Banta rin ni James Leone sa kapatid niyang si Lauren. Kaya ang lahat ng girls ay nakasimangot na tumalima.

"Mga kuntrabida talaga itong mga kapatid natin ano. Subrang possessive brother's daig pa ang mga daddy natin." Ani Janella sa kanila. "Daig pa kamo ang mga lolo kung makaasta sila." Nakasimangot rin na ani Alesha.

"So, ano ang gagawin natin dito? Wag niyong sabihing magsusuot tayo ng gown dahil bawal ang swim suit sa kanila?" Tanong naman sa kanila ni Yanna.

"Hindi magtatalukbong tayo ng kumot." Sagot naman ni Ara dito.

"Hays! Bakit ba kahit nandito tayo sa tabing dagat ay nakakakita ako ng linta. Akala ko ba ayaw ng linta sa maalat." Ani Gwenyth sa kanila. Napatingin naman sila kung saan ito nakatingin.

"Sis, syempre para sosyal na ngayon ang mga linta." Sabat naman ni Felicity. "Sinabi niyo sanang merong linta dito. At ng nakadala ako ng balat ng nangka." Saad naman sa kanila ni Helena.

"Bakit pati ba naman dito ay nakasunod ang isang iyan. Parang baliw lang na kung nasaan ka ay nandoon din." Nakasimangot na ani Christine. "Hayaan muna. Dahil ang mahalaga sa akin ay ikaw." Ani Asher Jade.

"Don't worry guys, dahil ako na ang bahala sa bagay na yan." Agad namang napatingin sa mga ito ang lahat. "Tangina mo Monte Silva, ano na naman ang kapraningan na gagawin mo?" Tanong agad dito ni Blaze.

"Bro, malalaman niyo rin." Pilyo nitong sagot. "Anong tumatakbo dyan sa tuktuk ng ulo mo?" Tanong agad dito ni Janella. "Yeah! What are you thinking?" Tanong din dito ni Zanna.

"Um. It's a secrets okay. Kaya bawal sabihin sa inyo. Malalaman niyo rin mamayang gabi. Trust me. Ang gwapo niyong pinsan ang bahala." Sagot naman nitong puno ng kalukuhan ang mga ngiti.

"Sasabihin mo o isusumbong kita kay tito Kurt." Banta naman dito ni Alesha. "Princess, malalaman niyo rin naman e. I promise, magugustuhan niyo rin ang gagawin ko." Sabay nanumpa ito sa harapan nilang kinaikot ng eyeballs ni Alesha. Dahil isa pa itong luko-luko sa pamilya nila.

"Ano ba kasi ang pinaplano mo? Sabihin muna ngayon. O di kaya ay ibulong muna lang sa akin. We are cousin, right." Si Zeus na inakbayan pa niya ito. "It's a secrets bro para masaya." Sagot naman nito. Dahil mukhang wala itong planong magsabi sa kanila kung ano ang iniisip nito ay hinayaan na nila.

"Baby, tara maglakad-lakad muna tayo." Yakag naman ni Asher Jade sa nobya. "Masakit ang mga paa ko." Malungkot naman nitong sagot.

"It's okay. Come here, ride on my back." Anitong kinangiti ni Christine. Dahil yun naman talaga ang gusto niya. Dahil gusto lang naman niyang mang-asar ng isang tao. "Get die." Anito sa isip sabay ngiti niya ng pilya.

Agad ngang sumakay si Christine sa likod ni Asher Jade. Ang mga kasama nila ay baliwala lang sa kanila ito dahil sanay na sila.

"Maghihiwalay din kayo." Anang taong nakatingin sa kanila sa isip nito. "Bweset ka talagang babae ka. Magsaya kana ngayon. Dahil kapag napasaakin siya ay hinding hindi muna siya mahahawakan pa." Saad pa nito sa isip na nanggagalaiti sa inis.

The Beast Prince(COMPLETED)Where stories live. Discover now