Chapter 20

12.3K 567 65
                                    

SUMAPIT ang kaarawan ni Asher Jade. At dahil unico hijo ito ng mag-asawang Axel at Jasmine ay kaya naman tuwing sasapit ang kaarawan nito ay pinaghandaan nilang mag-asawa.

Imbitado ang lahat ng mga malalapit na kaibigan ng mag-asawang Axel at Jasmine maging kasusyo ng pamilya nila sa negosyo. At syempre hindi mawawala ang mga kaibigan nila Axel at Jasmine na mga ninong at ninang, tito at tita ni Asher Jade.

Ang lahat ay binabati si Asher Jade sa gabi ng birthday niya. Pero ngumingiti man ito ay wala sa mga ito ang isip niya kundi nasa nobya niya. Kanina pa ito hinahanap ng kanyang mga mata ngunit hindi niya makita kung nasaan.

"Hi! Happy birthday." Bati sa kanya ng isang babae na lumapit sa kanya. "Thank you." Tangi niya ditong sagot.

"Bro, do you see my girlfriend?" Tanong niya sa mga kaibigan ng mapansing tila walang planong umalis ang babaeng lumapit sa kanila para batiin siya. Ayaw naman kasi niyang diretsahang sabihin ditong makakaalis kana. At dahil siguro sa tanong niya sa mga kaibigan niya ay napilitan ang babaeng umalis.

"Makikita mo rin siya later bro, maghintay ka lang ng kunti." Sagot ng mga ito sa kanya. Tila may alam ang mga ito kung bakit hindi pa niya nakikita ang nobya pero ayaw lang magsabi ng mga ito.

Maya't maya ay tinawag siya ng kanyang ama. Wala itong nagawa kundi ang lumapit siya dito.

"Yes Dad?" Anito sa ama ng makalapit ito. Agad niyang nakita na kasama ng mga kausap ng kanyang ama ang babaeng bumati sa kanya kani-kanina lang. "Hey! Gusto ka daw makilala nila Mr and Mrs Santiago." Tila napipilitan lang ang kanyang ama sa tinuran.

"Good evening Mr and Mrs Santiago. I'm Asher Jade Vergara." Pormal nitong pakilala sa mga ito. "Binatang binata na ang anak mo Mr. Vergara. Saan ka mag-aaral after mong magtapus ng high school hijo?" Tanong sa kanya ni Mr. Santiago.

"Mag-aaral ako abroad." Sagot nito. "Really. Ang anak rin namin mag-aaral sa ibang bansa." Mabilis naman ani Mrs. Santiago.

"Great." naisatinig na lang niya. Ng makita niya ang tito Andrie niya ay kung pwede lang siyang magmakawang tulungan siya nito ay ginawa na niya. Pero hindi niya alam kung paano sasabihin dito ito.

"Bro, save your future son in-law. Gusto na niyang takbuhan ang kaharap nila ngayon." Utos naman ni Jeb kay Andrie ng mabasa niya ang tumatakbo sa isip ng pamangkin niya. Kaya agad na lumapit sa mga ito si Andrie.

"Ehmmm." Tikim nitong kinahinga ni Asher Jade.

"Mr and Mrs Santiago, met tito Andrie Dela Rosa. One of the billionaire business tycoon in the country. My girlfriend's dad." Pakilala niya sa mga ito. Ayaw niya bigyan ng pagkakataon ang mga itong ireto ng mag-asawa ang anak ng mga ito sa kanya.

Halata naman sa mukha ng mga itong ipinagduduldulan nila ang anak nila kay Asher Jade. Pero hindi siya interesado dito.

"Nice to met you Mr. Dela Rosa." Tila nahihiyang ani Mr. Santiago sabay abot niya ng kamay ni Andrie. Agad naman itong inabot ni Andrie ang pakikipagkamay nito sa kanya.

"Sana hindi niyo mamasamain. Hindi ba masyadong bata pa itong si Asher Jade para magkaroon ng girlfriend?" Saad naman ni Mrs. Santiago. "Pero kung ang anak mo siguro ang maging girlfriend niya ay ayos lang kahit na bata pa sila." Gusto sanang sabihin dito ni Jasmine. Pero isinaisip na lang niya.

"Wala sa edad ang pag-ibig. At pareho naman namin silang ginagabayan ng tama. At wala kaming problema kung boyfriend ng anak namin ang anak ni Mr. Vergara. Dahil kilala na namin si Asher Jade mula pagkabata kaya wala kaming masasabi sa kanya. At malaki ang tiwala sa kanya ng asawa ko. Dahil alam niyang may isang salita ito at handa niyang tuparin ang mga bagay na binitawan niya." Sagot dito ni Gemalyn na hindi nakatiis na wag sumabat sa usapan nila.

The Beast Prince(COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant