The First Chapter

73.2K 1.2K 71
                                    


"Bethany anak! Ito muna baon mo cinco pesos,  alam mo naman anak na nanglilimos lang kami nang tita mo sa kanto saka ang papa mo hindi pa na swe-swelduhan sa construction,  300 pesos lang kada araw ang bayad nang papa mo sa paghuhukay sana alam mo yan anak" ngumiti naman bethany saka niya niyakap ang mama niya at pinunasan ang pesnge nitong madumi na.

"Mama okay lang sakin,  malapit na po akong magtapos sa high school kaya siguro naman po makaka pag trabaho na ako niyan diba po? " ngumiti naman sa kanya ang mama niya.

"Nagpapa-salamat talaga ako dahil napakabuti mong anak, pag pasensyahan mo na kami nang papa mo ha kung kami ang naging mga magulang m--

"Mama wag ka ngang magsabi nang ganyan!  Tanggap ko po ang lahat saka di po ako nangarap nang mga magagarang kagamitan at higit sa lahat di ko po kailangan nang pera, kaya sa inyo na po yang cinco na yan dahil may pera po ako" masayang sabi niya kaya napakunot noo ang ina niya nang may dinukot siyang pera sa bulsa niya at ibinigay ito sa ina niya.

"Ito po 500 ipagkasya niyo po yan sa bigas at sa ulam natin mama" tinignan nang ina niya ang pera saka siya.

"Bethany saan mo to ninakaw? " pagalit na tanong nang ina sa kanya kaya napangiti siya.

"Mama naman!"

"Ano sa tingin mo ginagawa mo? Bakit ka nag nanakaw?  Diba sabi ko kahit mahirap tayo bawal ang kumuha nang hindi sayo" napangiti ulit si Bethany at niyakap ang ina.

"Nagtrabaho po ako para magkapera ma" nagulat ang mama niya.

"Trabaho? " lumayo siya sa ina at tumango.

"Isang dishwasher po ako sa fast food mama silbe bumali po muna ako nang pera para po may pambili tayo nang bigas at ulam,  5k po ang sweldo ko doon sa isang buwan diba po okay na yun? " nalungkot naman ang ina saka hinaplos ang mukha niya.

"Oh siya pasok ka na,  baka malate ka pa niyan" napangiti naman siya at tumango. 

"Bye mama" tumango lang ang ina niya saka na siya umalis. 

Siya sa Bethany Varto,  18 years old at Grade 12 na siya nasa bukid ang bahay nila ay di pala bahay kundi isang abandunadong building na ito, marami sila ditong nakatira at medyo malayo ang skwelahan ni Bethany kaya maaga pa siyang gumising para makarating sa syudad nang Brgy. Fugo.  Ito ang syudad na bawal ang mahihirap na kagaya nila,  dahil ang lugar o lupa na tinatapakan nila ay pagmamay ari nang mga Fugo.  Sikat na sikat ito at nakikita sa TV pero dahil mahirap lamang si Bethany di niya ito kilala,  yung building na tinitirhan nila ay pinagawa daw ito nang ama para daw doon mag training ang anak nilang sundalo noon.  Pero bigla na itong na abanduna dahil na rin siguro sa naging mataas pa ang rangko nang anak. 

Lahat nang tao sa Brgy. Fugo ay alam yun,  pero maliban sa mga mahihirap alam nila ngunit di nila ito nakikita ang mga anak. Minsan yung asawa nang may ari ay mahihirap na katulad ni Bethany ang sinusuportahan na may 2k kada buwan ang binibigay sa kanila,  mabait ito sa lahat at namimigay pa ito nang mga pagkain at gamit sa lahat lalo na ang mga bata.  Ito lang ang nakikita nila Bethany at ang asawa nitong si Don.Kino kahit si Bethany ay bilib sa mag asawa dahil hindi lang pinagpala sa kagwapohan at kagandahan ay may maganda itong loob sa mga mahirap na katulad nila.  Pero yung kada buwan nila sa mga Fugo ay kinukurakot nang baranggay at isang libo nalang ang naibibigay sa kanila kahit ang pabahay na ibinigay ay sa mga mayayaman ibinigay. Gusto nilang mag sumbong sa mga Fugo pero lagi silang pinagbabantaan nang punong nang baranggay na papatayin sila kaya wala silang magawa.

"Bethany" napalingon si Bethany nang may sopistikang magandang maputing babae na mukhang anghel na tumawag sa kanya.  Medyo kaedad niya ito. Kaya napakamot ulo siya,  nagmamadali itong lumabas sa kotse na mahaba at medyo naguguluhan siya dahil hindi niya ito kilala at kakababa niya lang sa bukid kaya medyo maputik pa ang kanyang paa habang hawak hawak pa niya ang kanyang sapatos.

The billionaire sweet escape (18+)Where stories live. Discover now