The Sixteenth Chapter

33.2K 693 34
                                    

After 3 Years

"Bethany sama ka? " napatingin naman siya kay drixity kahit tatlong taon na ang nakalipas ay talagang hindi ito nag a-ate sa kanya,  bente uno na siya at sixteen na si drixity at medyo busy na ito school kaya minsan siya lang mag isa ang naiiwan sa bahay nito.  Mahigit dalawang taon o tatlong taon nang umalis si cohan sa pilipinas at aaminin niya namiss niya ito dahil wala na silang balita dito, 

"Hindi na papasyal din kasi kami ni mira kaya kayo nalang" nakangiti niyang sabi

"Sure ka? " paniguradong tanong nito sa kanya kaya tumango siya.

"Sige na" walang magawa si drixity at umalis nalang ito kasama ang mga kaklase dahil gagawa ito nang report!  At medyo nakakita na ito nang kaibigan at hindi lang si Bethany.

"Bethany anak aalis na kayo?  Hintayin mo nalang si phinnaeus" napangiti naman nang pilit si Bethany.

"Ahh wag na po" natawa naman si xiana sa kanya.

"Kung ganun si manong nalang nang ipag drive kayo dilikado kong mag tataxi kayo" tumango nalang siya saka na niya inayos ang bata na apat na taon na.

"Mama mamamasyal po ba tayo? " pacute nitong tanong sa kanya kaya hinalikan niya ito sa noo.

"Oo naman" sagot niya saka na sila umalis,  nang makarating sa mall ay masaya siyang hawak hawak ang bata at tumitingin lang sila sa mga damit pambata

"Maam ang ganda naman po nang mga anak niyo" napatingin siya sa sales lady.

"Salamat" ngumiti naman ito sa kanya

"Ilang taon na siya maam? " sabay pisil nito sa pesnge

"4 year old na ang panganay ko saka ito 2 year old" masayang sabi niya habang nakatingin sa batang hawak niya.

"LOVE I TOLD YOU TO WAIT ME" napapikit si Bethany dahil narinig niya ang tinig ni phinnaeus. At bigla namang kinilig ang sales lady nang makita si phinnaeus kaya umalis nalang si Bethany nang hinabol siya nito.

"Hahaha di ka naman mabiro,  gusto ko lang din ipasyal ang pamangkin ko" saka niya kinarga si mira"

"Ewan ko sayo" tanging sabi nalang niya.

"Kain na tayo kakagaling ko lang kaya sa operasyon gutom na ako,  sana nga naging zombie nalang ako nang yung mga inuoperahan ko yun ang kakainin ko" sabay pacute nito sa kanya kaya di nalang niya ito pinansin nang bigla siya nitong inakbayan

"Bethany lapit nang konti marami akong fans i hate it" natawa naman si Bethany sa sinabi nito.  Pumasok sila sa isang russian restaurant at doon kumain,  habang nakatingin lang si Bethany kay phinnaeus na pinapakain ang bata,  si mira marunong na itong kumain, 

"Here you want this? " tanong ni phinnaeus sa bata at tumango naman ito kaya napangiti nalang siya.

"Oh? Wag mong sabihin na nabubusog ka na sa kakatingin sakin" napasimangot naman si Bethany sa sinabi nito sa kanya at tumawa lang ito.

"Say ahh to daddy" sabi nito sa bata

"Dada"napasingot naman si phinnaeus

The billionaire sweet escape (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon