The Twentieth Chapter

37.1K 646 26
                                    


Bethany POV

di ko alam kung kikiligin ba ako sa inamin sakin ni cohan, pero may part kasi sakin na kahit gusto ko siya ay natatakot ako, natatakot ako baka saktan niya lang ako, gaya nang ginawa niya sakin noon, baka takutin niya lang ako ulit,

Di naman kasi mawala sa isipan ko yung mga ginawa niya sakin, masakit yun sakin lalo na yung mga sinabi niya, lalo na nung gusto niyang e-abort ang anak namin nang dahil lang sa pagmamahal niya sa ex niya.

Pero lumalambot ang puso ko dahil sa nakikita ko siyang karga ang anak namin, nasa veranda siya ngayun at pinapatulog niya ito. Simply ko siyang pinicturan at napangiti nalang ako, alam ko naman na marunong na siyang magpatulog at mag alaga nang bata dahil kay mira kaya hindi na ako magtataka. Umupo ako sa kama at tinignan lang siya na kumakanta para sa anak niya.

Okay na kung hindi niya ako mahalin, basta maramdaman lang ni thea na mahal siya nang daddy niya

Napangiti nalang ako sa mga naisip ko.

Alam ko naman kasi na nandito lang siya para kay thea, alam ko rin na susubukan niya akong mahalin pero alam kong hindi mangyayari yun,

Tumayo nalang ako at iniwanan sila at gumawa nalang ako nang forth folio dahil may bibili nun sakin. Habang gumagawa ako ay hindi ko na pansin na nasa tabi ko na pala siya kaya naiilang tuloy ako kung itutuloy ko ba o titigil ako sa ginagawa ko.

"She's fast asleep" masaya niyang sabi kaya tumango nalang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko pero umupo siya naka indian sit siya kagaya ko, nasa sahig kasi ako gumagawa pero may carpet

"What are you doing? " may ngiti sa labi niyang sabi.

"Forth folio " napatango naman siya at ginalaw ang mga ginawa ko.

"For what? " tanong niya sakin at tinignan ako kaya napatingin ako sa kanya pero yumuko agad ako.

"Ah this is my business" mahina kong sabi pero sa tingin ko narinig naman niya...

"I see" sinulyapan ko siya at nakangiti lang siya kaya napailing iling nalang ako kasi parang natatame ako pag tinititigan ko siya, nakikita ko kasi yung noon, yung magkatabi kami sa kama at wala akong ibang ginawa kundi ang titigan ang maganda niyang mukha.

"Are you studying architecture?" Napatigil ako sa sinabi niya. Bigla nag hit sa utak ko na nakakahiya para kay cohan na malaman niyang wala akong pinag aralan, wala akong professionals kaya napalunok ako saka tinignan siya, at simpleng tumango ako at bigla kong nakita ang malapad niyang ngiti,

Bethany simple'ng iling lang ang gagawin mo di mo pa magawa? "

Napayuko agad ako dahil doon,

"It's great i am planning to build a building can you be my architect then? " hindi ako sumagot sa kanya at napaisip ako

"Busy ako kay thea di ako tumatanggap nang kliyente" mahinang sabi ko at wala naman siyang sinagot sakin.

"Aren't you hungry? " simple'ng tango ang ginawa ko dahil kahit gutom ako ay nahihiya ako sa kanya. Hanggang sa di na kami nag imikan kaya ginawa ko nalang ang trabaho ko.

"I thought she's from phinnnaeus" basag niya sa katahimikan namin at bigla nalang siyang humiga sa hita ko kaya nagulat ako pero hindi ako makareact, nahihiya akong madikit ang katawan namin. Pero bigla niyang kinuha ang isa kong kamay kaya nabitawan ko ang hawak ko saka niya ito hinawakan at inilagay sa tiyan niya, hindi ako makaangal at pumipigil ako sa paghinga ko dahil di ko talaga alam kong anong gagawin ko.

"Breath Bethany " nang sinabi niya yun ay napahinga ako nang malalim at napapikit at nang tignan ko siya ay nakangiti siyang nakapikit, napatingin ako sa kamay kong hawak niya, hindi ako gumalaw o nagsalita hanggang sa dumilat siya at tinignan ako kaya napaiwas ako nang tingin sa kanya.

The billionaire sweet escape (18+)Where stories live. Discover now