The Sixty-One Chapter

21.8K 407 39
                                    


Gusto kong umuwi pero naduduwag ako,  kaya naglakad lakad nalang ako hanggang sa makarating sa mall nag window shopping ako hanggang sa mapatigil ako sa isang boutique na si Zina yung Pictures wall nila,  aaminin ko naman mas maganda sakin si Zina,  wala talaga ako kay zina kay nga nangliliit ako sa sarili ko,  may kutis pa akong parang badjao kaya sino bang mag aakalang nagkaanak sakin si Cohan,  kahit sino walang maniniwala,  kahit sino walang papatol sakin,  si cohan lang naman ang nag kainteresadong kumapit sakin kaya kung gustohin man ni cohan ang mangaliwa wala naman akong magagawa doon,  maraming nanumpa sa simbihan pero hindi maiwasan ang mangaliwa ang asawa diba? kung bay rank ang girlfriend ni cohan sa kagandahan nasa pinakahuli ako,  totoo naman talagang ang pangit pangit ko,  di mo aakalaing may lahi akong Japanese pero ang itim ko naman,  palad ko nga sa paa ko makapal saka sa kamay na akalain mo nag gagabas nang kahoy, 

"baby, kung si zina ang naging mommy mo alam kong mas gwapo ka pa kasya ngayun" nakangiti kong sabi kasabay naman nun ang pagpatak nang luha ko pero pinunasan ko na ito saka ulit napatingin sa pictures ni Zina.

"ang ganda niya talaga" nasabi ko nalang,  inggit na inggit talaga ako,  marami akong insecurities pag dating kay Zina kasi lahat nang mga reporter na nakadalo sa engagement party namin pinagkukumpara kami,  maganda naman daw ako natural beauty daw pero mas maganda naman daw si Zina kahit nga daw wala yung make up maganda,  habang ako gumaganda lang pag may make up, di ko nga alam kung ilang oras akong  nakatunganga sa harap nang boutique na yun.

"Ate pwede po bang umalis po kayo sa harap nang tindahan namin, wala pong pumapasok dahil po sa inyo,  wala pa din po kaming keta kaya di ka po namin mabibigyan nang limus" napahinga ako nang malalim at umalis nalang.

kita na diba? kahit yung saleslady napag kamalan pa akong manglilimos.

actually hindi pa naman huli para umatras si Cohan sa kasal,  kung anak lang namin ang problima niya na baka walang makilalang ama siguro magpapakamartir din ako para sa mga anak ko. 

Nakauwi ako sa bahay at binungad naman ako nang magaganda kong anak,  kaya napangiti ako,  gusto ko mang yakapin sila pero karga ko si blaze.

"oh siya maglaro na kayo magbibihis lang si mama ha" tumango naman sila at humalik muna sa pesnge ko saka sila tumakbong nakangiti.

"anak? " napalingon ako kay mama kaya napangiti ako.

"bihis lang po ako saka po mama pag nagtanong si cohan kung umalis ako nang bahay paki sabi po hindi"

"hala bakit anak?  hindi kayo nagkita? " napangiti ako

"eh pinasyal ko nalang si blaze sa mall trafic kasi kaya ayon,".

"ganun ba oh sige"

"salamat mama" sabi ko saka ako pumunta sa kwarto,  binihisan ko nalang si blaze at nakatulog naman din agad ito at ako ay nagligo nang matapos ay kinuha ko yung damit na nasout ko saka ko itinago,  habang nag susuklay akong nakaharap sa salamin nakatitig lang ako sa mukha ko, 

"ang pangit" naibulong ko nalang saka na ako tumigil sa pagsusuklay ko. Napalibot ang tingin ko sa kwarto namin saka napako sa pictures frame naming magpamilya,  sa lahat ako lang ang naiiba ang kulay,  yung mga anak ko parang mga American kahit si Cohan,  hindi naman ako nagsisi na ganito ako,  tanggap ko naman na ganito ang itsura ko,  pero di ko alam bakit ngayun, bakit pinangkukumpara ko ang sarili ko kay Zina,  alam ko naman na si Zina ang unang nakatikim nang matamis napagmamahal ni Cohan,  saka alam kong nag iingat lang din si Cohan sakin baka masaktan na naman siya,  iniintindi ko naman si Cohan,  na trauma siya sa nangyari,  kahit na sabihin nating first time ko to ay wala naman akong magagawa.

Habang nagmumuni muni ako ay nakarinig ako nang ugong nang sasakyan alam kong si Cohan na yun kaya napakagat labi ako at kinakabahan.

"ano ang sasabihin ko? " biglang sumikip yung dibdib ko na para bang iiyak ako. Agad akong tumakbo sa kama saka nagkumot at nag tulog tulugan at sakto naman ang pag bukas.  Napapikit ako dahil naririnig ko ang apak niya,  narinig kong pinatunog niya ang lullaby song sa crib ni Blaze saka naman lumubog ang kama sa kabilang side.

The billionaire sweet escape (18+)Kde žijí příběhy. Začni objevovat