The Twelve Chapter

32.2K 630 18
                                    


Walang magawa ang magulang ni cohan kundi ang umuwi nalang ito kaya huminga nang malalim si Bethany at pumikit

"Kalma lang Bethany" bulong niya sa sarili niya at pilit kalimutan ang sinabi nito sa kanya at pumasok nalang sa loob.  Napansin niya itong nakatulala habang nakahawak nang bote nang wine.  Tinignan niya ang bata at dahil tulog ito ay inilagay niya ito crib saka niya nilapitan si cohan

"Sorry sa mga nasabi ko" tanging sabi niya pero para itong bingi at tumungga lang ulit kaya umupo siya harap nitong counter at tinitigan niya si cohan.

"Pwede mo naman sabihin sakin ang hinanakit mo hindi ko naman ipagsasabi sa iba" dahil sa sinabi niya napatingin ito sa kanya.

"Kung maibabalik ko lang ang panahon sana mas pinili kong mamatay ka para sana buhay siya ngayun kasama ko,  hindi yung ikaw ang nabuhay na kasama ko ngayun habang ang babaeng mahal ko wala na" galit na sabi nito sa kanya kaya ngumiti nang pilit si Bethany kahit masakit ito sa kanya

"Okay lang,  tatanggapin ko yan kaya sana maibalik ang panahon para naman maging masaya ka na" natawa naman ito

"Hahaha nakakatawa satingin mo ba maibabalik mo ang babaeng mahal ko? " natigilan si Bethany sa sinabi nito sa kanya

"Kung maibabalik mo siya sakin siguro magawa kong patawarin ka" at biglang inihagis ang boteng hawak nito kaya napapikit si Bethany.

"Pero kahit anong gawin ko wala ka namang kasalanan hindi naman ikaw ang pumatay sa kanya,  hindi naman ikaw yung nakabangga niya pero sana nakinig kayo sakin nun.  Kasi kung nakinig kayo wala sanang buhay na nawala,  buhay pa sana ang pamilya mo at girlfriend ko pero ano?  Nawala sila dahil sa tatanga niyo rin! Kayo na yung tinulungan ang titigas pa ang ulo niyo,  Di ko alam bakit ganito kayong mahihirap ang hirap niyong intindihin" nakayuko lang si Bethany at tinanggap lahat nang masasamang sakit na binabato sa kanya ni cohan sa kanya.

"Habang nabubuhay ako di ko alam kong makakaya kong patawarin ka" saka ito umalis kaya napahinga nang malalim si Bethany at pinunasan ang pesnge niya.

"Sana maibalik ko siya" tanging sabi niya saka niya sinout ang dati niyang damit saka umalis dahil may gusto siyang puntahan sa bukid.

Nang makarating siya doon ay nagtatanim ito nang gulay..

"Bethany? " masayang sabi nito nang makita siya kaya ngumiti siya.

"Tiya Poring" masayang tugon niya dito kaya tumakbo siya at niyakap niya ito nang mahigpit at hindi niya mapigilang hindi maiyak

"Kumusta ka na anak? "

"Okay lang po" napangiti naman ito saka siya pinapasok sa loob

"Oh ano kailangan mo? " napangiti naman ito sa kanya kaya ngumiti rin siya.

"Tiya naalala niyo yung sinabi niyo sakin? " napakunot noo naman ito

"Ang ano anak? " yumuko siya at pilit ngumiti.

"Yun pong soul transfer po" biglang nawala ang ngiti nito dahil sa sinabi niya.

"Bakit mo naitanong yan? " pagtatakang tanong nito.

"Totoo po ba yun tiya? " nagtaka ang tita niya at napaiwas nang tingin sa kanya.

"Tiya" sabay yakap niya dito...

"Totoo oo" nang marinig niya ito ay napatingin siya dito

"Talaga po? " masaya niyang sabi at tumango ito sa kanya

"Ngunit may masama itong maidudulot pwede kang hindi na makabalik sa katawan mo,  lalo na pag aangkinin na nang kaluluwang yun ang katawan mo" napakagat labi naman si Bethany.

The billionaire sweet escape (18+)Where stories live. Discover now