The Fifty-Two Chapter

23.3K 485 31
                                    

Isang linggo nang naghahanap sila cohan pero wala silang nakita,  hindi siya mapakali,  ni wala siyang tulog o pahinga,  sumasama na siya sa rescue team nang naghahanap kay Bethany. Pero lahat nang ito ay suko na,  pati ang magulang niya ay suko na rin,  kahit ayaw nitong gumawa nang funeral para kay Bethany ay ginawa nang pamilya ni cohan dahil nahalughug na lahat pero wala silang nakita. Maraming nagsasabi na patay na si Bethany,  pero ayaw niyang maniwala hanggang wala siyang makita,

"Sir gabi na po,  bukas nalang ulit po tayo maghahanap? " suko na sabi nang kasama niya.

"Sige,  umuwi na kayo ako na muna maghahanap sa asawa ko" mapait niyang sabi kaya lahat ay bumababa sa yate saka siya nagpatuloy sa paghahanap,  pero wala siyang magawa kundi ang mapaupo at umiyak nang umiyak,  araw araw nalang siyang umiiyak,  araw araw na tinatawag ang pangalan ni Bethany,  kinakausap na baka marinig siya, 

Napatingin siya sa langit at napangiti nalang.

"Gumaganti ka ba sakin? " bulong niya, 

"Tinutoo mo naman eh!  Okay na sakin kahit sinong babaeng mawala wag lang ikaw,  pero bakit? Sa lahat nang babae bakit ikaw pa ang nawala? " sumbat niya dito mga ilang oras siyang nag hanap sapa saka niya napagpasyahang umuwi,  nang makauwi siya ay nakita niya ang malaking pictures ni Bethany katabi ang kabaong na nakataklob,  sa galit niya tumakbo siya sa loob saka niya ito tinulak kaya lahat nang bisita ay napasigaw sa ginawa niya,  pinigilan naman siya nang kanya mga kapatid.

"Kuya tama na" napatingin siya sa kabaong nakabukas na walang laman.

"HINDI KO IDIDIKLARANG PATAY ANG ASAWA KO KAYA MAGSILAYAS KAYO,  NAKIKITA NIYONG WALANG KATAWAN DIBA? KAILAN PA KAYO NAG LAMAY NANG KABAONG LANG? UMALIS KAYO" umiiyak niyang sigaw at galit na tinulak ang kapatid niya at pinagbuntunan ang mga bulaklak sa galit niya habang umiiyak,  bilang respito ay humingi nang paumahin ang magulang ni cohan sa mga bumisita hanggang ang lahat ay umuwi,  napayakap ang ina ni cohan sa asawa habang nakikita nilang naghihirap ang anak nila,  isang linggo na ring umiiyak at naghahanap si thea at si mira sa mommy nila,  pero tanging masabi nila ay busy lang ito,  habang nasa pangangalaga din nila ang bunso nitong anak na si blaze na wala pang muwang. 

"Cohan anak" agad niyakap nang ina ang kanyang anak na naka upo sa sahig habang umiiyak.

"Ayoko nang ganito,  ano pa bang gusto nang diyos nang mangyari sa buhay ko? Nawala na yung anak ko pati pa ba si Bethany kukunin niya sakin? Bakit? Bakit sabay niyang kinuha sakin? " umiiyak niyang sumbat saka siya tumayo at galit na binato nang bulaklak ang altar nang diyos.

"ANO PA BANG GUSTO MO? YUNG BABY KO NA HINDI PA NGA NAKITA ANG MUNDO KINUHA MO NA BAKIT PATI ANG MAHAL KONG BABAE KINUHA MO? NAGSISI NA AKO SA KASALANAN KO BAKIT MO AKO PINAHIHIRAPAN NANG GANITO.  MAGSALITA KA" galit niyang sigaw kaya niyakap siya nang mommy niya at napaupo siya ulit sa sahig. 

"Mommy di ko na kaya,  ayoko nang ganito,  hanapin natin si Bethany mommy, alam kong buhay siya, nararamdaman ko buhay siya,kailangan niyang magamot mommy, kakawala lang nang baby namin diba? she needs me" pagmamakaawa niya sa mommy niya kaya tumango lang ito saka siya niyakap.

"Hahanapin natin" sabi nalang nang ina ni cohan at tumingin sa asawa kaya tumango ito.  Agad namang tumayo si cohan at pinunasan ang pensge niya.

"Hahanapin ko siya" ngumiti siya sa mga kapatid niya saka siya yumakap sa mommy at daddy niya.

"I won't give up,  kahit pa tumanda ako sa kakalibot nang boung sapa mahanap ko lang siya,  so please dad takecare of our children for us" tumango ang ama niya saka siya tumakbo palabas para magsimula sa paghahanap kay Bethany.

"Mom anong pinagsasabi ni kuya? " takang tanong ni phinnaeus sa ina niya.

"Oo nga po?  Ano yung baby? " nagkatinginan ang mag asawa.

The billionaire sweet escape (18+)Where stories live. Discover now