The Eleventh Chapter

33.4K 653 2
                                    


Nagising si cohan at nagulat siya nang nasa harap niya si Bethany,  nakaupo ito habang ang ulo ay nasa hita niya,  kaya tinitigan niya ito at inayos ang buhok pero bigla siyang napatigil sa ginagawa niya. 

"Why i am doing this?" Takang tanong niya at napangiti nalang nang nakakaloko  saka niya ito ginising

"Bethany " tawag niya dito pero hindi ito nagising kaya agad siyang tumayo kaya nagulat si Bethany at napatingin sa kanya

"Ahh..sorry" napailing iling nalang ito saka siya iniwan.

"Maging gentleman ka naman sana sakin,  kahit sa unique code mo hindi mo ako dinadala nang maayos" bulong niya dito pero hindi siya nito pinansin at humiga nalang ito sa kama. 

Sa totoo lang hindi alam ni Bethany kung saan siya matutulog dahil wala naman itong sinabi,  medyo namiss niya ang pagkaingay ni drixity,  hindi kasi siya nakakalabas nang bahay dahil pinagbawalan siya baka daw makidnap ang bata yun ang kinatatakot ni cohan kaya sinusunod niya ito.  Pumasok nalang siya saka niya sinara ang pinto sa veranda at naghanap nang mahihigaan niya dahil takot siyang tumabi dito.  Kaya lumabas nalang siya at pumunta sa sala saka doon humiga sa sofa,  nanuod siya ang palabas hanggang sa nakatulog siya. 

Kinaumagahan ginising siya nito at ibinilin na wag na wag siyang umalis at isang tango lang ang ibinigay niya. 

Pag labas ni cohan ay nagulat siya sa nakita niya.

"Hina?" Takang tanong niya nang makita ang kapatid nang namayapa niyang kasintahan.

"Si mira? "

"Nasa loob" tumango naman ito saka pumasok sa loob at pinabayaan nalang niya yun saka na siya umalis.

Pag pasok sa bahay ni hina ay napangiti siya nang makita si Bethany. Agad siyang may tinawagan

"She's here" agad niyang kinuha ang bata nakikita niyang nakasout ito nang damit ni cohan lalo na ang pambaba nito.

"Wow really? " natatawang sabi nito saka dumating ang mga pulis kaya nagtaka si cohan nang makasalubong niya ang mga ito. 

Napasunod ang tingin niya dito saka siya bumalik.

"Miss" gising ni hina kay Bethany kaya nanghihina itong umupo at biglang nagulat si Bethany dahil maraming pulis ang nakita niya.

"Anong kasalanan ko? " takang tanong niya,  tumawa naman ang babae na nasa harap niya.

"Tinatanong pa ba yun? DAMPUTIN NIYO SIYA" agad siyang pinatayo nang dalawa pulis at pinusasan..

"Pwede mong sagutin ang lahat nag tanong sa presento ngayun inaaresto ka namin sa salang pagpatay" biglang nanlumo si Bethany sa narinig niya

"Sino pinatay ko? " mahina niyang tanong nang bigla siyang sinampal nang babae kaya natabingi ang ang mukha niya.

"TINATANONG MO PA?  NARINIG KO KAY COHAN NA IKAW ANG MAY KASALANAN KAYA NAMATAY ANG KAPATID KO" biglang naiyak si Bethany at bigla ring lumabas ang bata at bigla itong umiyak nang makita nitong umiiyak si Bethany,  tumakbo itong yumakap sa binti ni Bethany.

"MAMAWHAAAAA" sigaw nitong iyak pero kinuha ito ni hina

"Mira she's not your mother,  pwede po bang ilabas niyo na siya" walang magawa ang mga pulis at sinunud ito dahil anak ito nang isang executive lawyer.  Habang kinaladkad nang mga pulis si Bethany ay wala siyang magawa nang nagtaka si cohan sa nakita niya.  Agad siyang lumabas sa kotse niya at linapitan ito

"Hina anong ibig sabihin nito? " kunot noong tanong ni cohan

"Kuya! bakit mo ba tinatago ang criminal na yan?  Kasalanan niya,"

The billionaire sweet escape (18+)Where stories live. Discover now